Magasin


'Kita kita sa isang magasin. 
Dilaw ang 'yong suot 
At buhok mo'y green. 
Isang tindahan sa may Baclaran, 
Napatingin, natulala 
Sa iyong kagandahan. 
Naaalala mo pa ba 
Nung tayo pang dalawa? 
Di ko inakalang sisiskat ka. 
Tinawanan pa kita, 
Tinawag mo akong walanghiya 
Eh medyo pangit ka pa noon 
Ngunit ngayon... 
Iba na ang 'yong ngiti. 
Iba na ang 'yong tingin. 
Nagbago nang lahat sa 'yo. 
Sana'y hindi nakita. 
Sana'y walang problema 
Pagkat kulang ang dala kong pera 
Na pambili, 
Pambili sa mukha mong maganda. 
Siguro ay may kotse ka na ngayon. 
Rumarampa sa entablado. 
Damit mo'y gawa ni Sotto. 
Siguro'y malapit ka na ring sumali 
Sa Supermodel 
Of the Whole wide Universe. 
Kasi... 
Nakita kita sa isang magasin. 
At sa sobrang gulat di ko napansin. 
Bastos palang pamagat. 
Dali-daling binuklat 
At ako'y namulat 
Sa hubad na katotohanan. 
Nasaan ka na kaya? 
Sana ay masaya 
Sana sa susunod na isyu 
Ay centerfold ka na. 


EraserHeads