Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!
Isang Babae

Ako'y may nakilalang isang dalaga 
Seksi't tisay at ubod ng porma 
Kay tamis ng ngiti, nakakapanggigil, 
Nakakatukso, `di na ko makapagpigil 


Ilang oras pa lamang kaming magkakilala 
Ako'y nakahawak na sa beywang niya 
Naglalambingan kami sa dilim ng gabi 
Bigla kong naramdaman ang tamis ng kanyang labi 


Isang babaeng mapaglaro ang puso 
Panunukso lamang ang habol nito 
Isang babaeng mapaglaro sa pag-ibig 
Huwag kang padadala, sa huli, ikaw ang kawawa 


Dumalaw ako nang noong kinabukasan 
Isang dosenang rosas ang aking dala 
Pagbukas ng pinto ang aking nakita 
Ibang lalake na ang kayakap-yakap niya 


Huwag kang padadala 
Ikaw ang kawawa 
Magmumukha kang tanga 
Ubos pa ang `yong pera 



BackDraft