Iisang Bangka
Kay dilim at kay ginaw sa kalawakan ng dagat
Ubod lakas kung sumayaw ang galit na hanging-habagat)
Ngunit buo ang puso mo, ang daluyong ay susugurin
Magkasama tayo, katahimika'y hahanapin)
Saan ang tungo mo, mahal kong kaibigan ?
Saan sasadyain, hanap mong katahimikan)
Basta't tayo'y magkasama, laging sasabayan kita
Pinagsamaha'y nasa puso, kaibigan, kabarkada)
Ilingad natin ang laya sa umaawit na hangin
Kapit-bisig tao, ang gabi ay hahawiin)
Dahon ng damo, tangay ng hangin
Aty 'di mo matanaw kung saan ka dadalhin
Ngunit kasama mo akong nakabigkis sa puso mo
Daluyong ng dagat ang tatawirin natin
Ating liliparin, may harang mang sibat
Ating tatawirin, daluyong ng dagat
Pagka't kasama mo akong iisang bangka tayo
Anuman ang mithiin ay makakamtan natin
The Dawn