Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!
HALIK NI HUDAS
WolfGang

Mga asong naloloko 
Nagpapanggap na tao 
Mga pangakong matamis 
Puro langaw at ipis 
Sa bawat tabi at sulok 
Pagkatao'y nabubulok 
Nakalubog na sa kabaong 
Lalo pang binabaon ao sa pangil ng buwaya 
Kapangyarihan ng halik ni Hudas 
Ubos nang mga bayani 
Mga duwag ang nalalabi 
Kunwari'y matatapang 
Ilalaho sa kahirapan 
Kukunin niya lahat sa iyo 
Isip at kaluluha 
Pagkatao mo'y papasukin tapos dudurugin 
Magtiwala ka sa akin 
Kaligtasan mo ako 
Dito ka susunugin 
Sa aking paraiso 
Sumunod sa mga utos 
Mga lason na pangako 
Ang kanyang mga kamay 
Mga batong pumapatay 
Kaibigang nakaitim 
Dadalhin ka sa dilim 
Magpailalim ka sa kanya 
Nakatali ng kadena 


WolfGang