Gising Na


Gising na... buksan ang iyong mga mata 
Gising na... Halina at silipin ang pagdilat ng umaga 
Tahimik at saksakan ng ganda 
Gising na... nandyan na ang umaga 
Gising na... nais kong makita ang ngiti sa iyong mukha 
At pungay ng iyong mga mata 

Kanina pa kita pinagmamasdan 
Kanina pa kita tahimik na binabantayan 
Hindi gumagalaw, hanggang wala ang araw 
Sadyang nakatanga nakatitig lang sa iyong mukha 

Gising na... buksan ang iyong mga mata 
Gising na... mayroon sana akong gustong sabihin sa iyo 
Na di maipaliwanag nang husto 
Gising na... nandyan na ang umaga 
Gising na... Hindi ko maintindihan ba't di mapantayan 
Ang kasiyahan na nadarama, tuwing nariyan ka 

Binabalak ko nang sabihin na minamahal kita 
Kasabay ng pagsibol ng wala na yatang igaganda pa 
Nagsama ang ginaw, at ang lamig ng araw 
Ngunit dala ng kaba, hindi ko yata kayang magsalita 

Nakakainis isipin na di ko alam ang gagawin 
Ngunit walang magagawa, hindi ko pa kayang aminin 
Ang pagkakataon ay dapat bang palampasin 
Hindi na lang kita gigisingin 


Parokya