Galit sa Mundo

Bakit ba may mga taong 
Mayroon sariling mundo 
Lahat ng tama'y laging mali sa inyo 
Lahat ng uso'y baduy sa iyo 

 
'Di nakuntento, nandamay pa kayo 
Katahimikan ko'y ginugulo ninyo 
Anak ng tokwa, ano bang gusto mo 
Oy ! Maghanap ka na lang ng ibang mundo 

 
Ganyan ang bahay sa mundo 
May taong 'di kuntento 
'Yan ang taong walang kwenta 
Puro kuwentong walang istorya 
Sawa ka na ba sa buhay mo 
(pare/'tol/t'song) 
Galit ka ba sa mundo 

Pati gobyerno'y tinitira n'yo 
Sa susunod na halalan ikaw nang tumakbo 
Mali ng iba'y pinupuna ninyo 
humarap sa salamin tignan ang sarili mo 


Teeth