Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!
Asong Ulol


Pagbangon sa panaginip 
Durog ang pag-iisip 
Mga kaluluwa'y nasusunog 
`Di mapigilang bumubulong 

Nahihilo, 
Nagdedeliryo, 
Naglalaway, 
Parang asong ulol 

Nawawalan ng malay 
Sa `di mapigilang ingay 
Sa sarili nakikipaglaban 
Kay tamis ng kalungkutan 

Pagbangon ay parang patay 
Ang mundo'y wala nang kulay 
Kundi pula ang dugo nila 
Mayroon pa bang natira? 


BackDraft