Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!
Anak ng Gabi


Anak ng gabi, nakakulong sa kuwarto 
Balot ng dilim ang kanyang mundo 
"Walang silbi, walang kuwenta 
Isa pa batugan ka't tanga 
Perwisyo ka sa buhay ko 
O ba't ka ba nagkakaganito" 

Kaibigan konting pagtiis na lang 
Kaligayahang inaasam 
Balang araw makakamtan 
Dito sa kagubatan, kailangan lumaban 
Lahat naman tayo'y may kanya kanyang 
Impiyernong kinagisnan 

Sugo ng dilim, hindi alam ang gagawin 
Tumatakas sa realidad 
Dumadaing, humihiyaw 
Dinadaan niya sa sigaw 
Kanyang mundo'y nagugunaw 
Hinihintay ang pagpanaw 


BackDraft