Ang Motocross, *bow*


Isa sa mga pangarap ko ay maging isang sikat ng Rider, nde rayder ng kabayo! Kundi rayder ng motor, lalo na ng Motocross, yan ang pinapangarap ko sa buhay, ang makapaglaro ng motocross...korni!!! Subali't may isang bagay na humahadlang sa akin sa paga-abot ko ng aking pangarap, isa lang ang dahilan kung bakit nde ako makalaro ng Motocross, wala kasi akong perang na pambili ng pangarap kong Motor. Simpleng-simple no! mahal naman kasi ng presyo non no! cge bigayan mo ako ng pera eto ang pangarap kong motor....

Bata pa lamang ako ay gustong-gusto ko nang makalaro ng motocross, kahit laging talo ok lang basta makalaro ako ng motocross.. pero nde talaga pede kasi nga super mahal ng motor. Gustong-gusto kong gayahin ang mga stunt ng aking Idol na si Mak Grat..
Nguni't isang araw ay may nag-sponsor sa akin para makalaro ako ng motocross.. at duon na nagsimula ang pagkakaroon ng kulay ng aking matagal nang pangarap. "Yahoooooooooooooooooooooooo…." napasigaw ako at muntik nang maiyak dahil sa wakas makakalipad na ako sa ere.. So….. nagsimula na ang pagiging rayder ko.. syempre nagsimula ako sa pinakamababang division...











Hangang naging isang beterano na ako sa larangan ng motocross.. naging namber wan ako dahil ako na ang pinakamagaling sa lahat ng manlalaro.. ooopppss.. walang kokontra, kaya't maraming gustong umagaw ng aking korona bilang namber wan sa motokros.. maraming babae ang humanga sa akin.. at ilan sa kanila ay naging masusugid kong manliligaw (hehehehhhehheh….)

syet ganda nun ahh!!!..tsaka parang kilala ko yung isa. sayang!! konting yuko pa sana kitah na... Dumating ang araw na nasa paynals na kami ng world tsampyon! Kaya't bago dumating ang araw ng karera ay nag-praktis ako ng husto. Halos sa ibabaw na ng aking motor ako natutulog..











At dumating na nga ang aking pinakahihintay ng lahat na paynal.. dito makikilala kung sino talaga ang tatanghalin kampyon.. kaya't lahat ng mga kilalang pangalan sa larangan ng motokros ay nagsilahok..





At nagpunta na sa starting layn ang mga kalahok sa karera….. ang lahat ay natahimik (baka tulog?) sapagkat sabik sila na malaman kung sino ang tatanghalin tsampyon, ang tanging maririnig mo lamang ay broooooooooomm… broooomm….... ingay ng motor na pinapainit ng mga kalahok para lalong mag-init ang makina......

3...2...1...GO!!!

Sa unang hirit pa lamang ay nasa unahan na kaagad ako syempre ako ang bida ehh…. Lumaki na nang lumaki ang agwat ko sa aking mga kalaban.. umabot ng sampung metro ang layo ko sa kanila.. naging bente metro …. naging trenta metro…. hangang naging milaya-milya na ang layo ko sa kanila huh!! layo nun ahh..


kaya't nawalan ako ng gana sa ginaganap na karera.. in syort.. no match sila sa akin… hehhheh…. kaya't gumawa na lang ako ng kung anu-anong stunt pasikat ika nga.. para lalong dumami ang chicks ko! nandyan yung pagbali-baligtarin ko ang motor, at kung anu-ano pa…ginaya ko ang aydol kong si MakGrat…..






nampotah.. galing ahh.. Nguni't biglang nag-iba ang takbo hangin sa akin.. nang bigla akong magkamali sa pagbagsak … nakups.. sumemplang ako...
Aray ku pu.. ansakit nun ahh… kaya't nagkaroon ng pagkakataon ang aking mga kalaban na makaabot sa akin.. naunahan ako ng ilan kong mga kalaban… kaya't nagmamadali akong tumayo at diretso ang karera.. hinabol ko ang nasa unahan kong kalaban at nalampas naman kaagad ako sa kanya..




yann…. Isa na lang ang nasa unahan ko, samakatuwid 2nd place na ako kaya't nagpumilit pa rin akong unahan sya.. nguni't isang lap na lang pala… mga ilang rampa na lang ang aming tatalunin at nasa pinis layn na kami..pero ayaw kong maging 2nd lang, gusto ko ako pa rin ang tsampyon.. kaya't birit pa rin ako!!


Sa wakas naunahan ko rin sya, at sa ere pa ha! Kaya nyo yon?? Ako na ngayon ang 1st konti na lang at nasa pinis layn na ako.. ayan naaaa…. ayan na….. ayan na….. malapit na konti na lang...
Nguni't biglang nag-dilim ang aking paningi kaya't bigla na lang akong bumagsak na hindi nakaabot sa pinis layn.. ang huling nakita ko na lang ay nang maka-abot sa pinis layn ang aking mga kalaban na nasa likuran ko, at nawalan na ako ng malay….
Nang magising ako ay nasa loob ako ng aking kwarto…. "syet!!!" sabi ko…. "langya panaginip lang pala ang lahat" kaya't ang aking pangarap na maging isang sikat na Rayder ay nanatiling isang pangarap….. at nagtyaga na lang ako sa isport na kaya kong abutin…..

kayo ano ang pangarap nyo??


Balik sa HomePage


mail me: mhong@gwapo.com