Istorya ng isang Chatter
(Kul to makitah nyo!)
Ang istoryang ito ay naglalahad sa karanasan ng isang taong nagpunta sa Tate na akala nya ay magiging masaya sya. Subaybayan po natin ang kanyang talambuhay.
"Action!!"
Bagong salta siya sa Tate, syempre tuwang-tuwa sya dahil ang akala nya masarap ang buhay sa Tate. Ngunit lumipas ang mga araw, naging malungkutin sya dahil wala syang gaanong makausap duon sa bago nyang tirahan. Nde naman sya mahilig makihalubilo sa mga English Ispokening Dollar kasi nde sya gaanong marunong mag-ingles, kaya't naghanap sya ng isang bagay na maaari nyang pagkaabalahan, naging putbol pleyer sya…

Nguni't syang nanatiling malungkot. Napansin yon ng kasamahan nyang pinoy din, "Ikaw ba'y nalolongkot at walang makausap?" naawa siya sa ating bida, kung kaya't tinuruan sya ng isa ding pinoy na gumamit ng kompyuter, tinuruan din syang gumamit ng CHAT, Kaya't nagmadali syang bumili ng Kompyuter, nag-apply sa isang sikat ng ISP o Internet Service Provider (take note yung Unlimited account ang kinuha nya!), bumili sya ng modem at nag-chat kaagad sya!! Kahit anong oras ay laman sya ng chat(IRC) na-adik na sya katsa-tsat, kahit sino kinakausap nya, bata man o matanda, may ngipin o wala, pero ang mahalaga sa kanya pwede na nyang makausap ang mga kapwa nya pinoy. Kahit gabing-gabi na'y nasa harap pa rin sya ng kompyuter nya!..

Tuwing may makakausap sya "ASL pls.."(age sex location daw!!) pag nalaman nya na Filipina nde na nya pinakakawalan! Hanggang may makausap sya na isang Filipina! "hello" banat ng ating bida. "ASL pls.." nalintikan na, dumidiskarte na sya, "20 female" sagot naman ng bebot sa kabilang linya, "R u a Filipina??" tanong nitong ating bida, "yes I am" sagot ng chickababe. Kaya't nde na nya ito nilubayan. "Ako nga pala si Tomas Cruz" ahhhh…. Tomas Cruz pala ang pangalan ng ating bida, naging regular silang magkausap sa internet. Araw-araw ay nagkakausap sila sa Internet. Naging magaan ang kanilang loob sa isat-isa! "Syet, nai-in-lab na ata ako sa kanya"sabi nya sa sarili, teka nga anong pangalan ng babae?? "I lab yu Dimple" ahhhh. Kay Dimple pala sya nai-in-lab.. "may picture ka ba jan?" naks nanghingi na ng piktyur itong si chickboy! "yah, send ko sa iyo? teka lang". Lalo syang na-inlab nang makita nya ang piktyur ng ka-tsatmeyt nya....
( mo yung pektyur nya para makita ng mas malaki.. )
Isang napakagandang babae!!!(teka sumisikip ang brief ko ahh..) inalok din nya ng piktyur si seksi, "gusto mo ng pix ko??" yann… magbibigay na rin sya ng piktyur, "oo ba" sagot naman ni babae. So alam nyo na kung naong sumunod na eksena nagpadala na ng piktyur si laber boy....
Gwapings naman pala si Tomas ehhh..(pero bakit magkamukha kami??) bagay nga sila! So naging ma-on sila sa pamamagitan ng Internet, in syort mag-syota na sila! Kaya't lalo silang nadalas sa Internet, kahit gabi internet pa rin!!
Dumating ang panahon na na-adik na tong si lalake sa internet kaya't kahit saan sya makakita ng kompyuter gumagawa sya ng paraan makapag-internet lang!.. katulad nitong ginagawa nya!!
kita nyo na ang sintomas ng pagka-adik sa chat? "teka nga Dimple, tagal na nating magka-usap ay nde ko pa alam ang location mo! Nasa pinas ka ba?" tanong ng ating bida(langya ka nde mo pa pala alam kung nasaan yan napupusuan mo! Malay mo kapit bahay mo lang yan, Ugok!) hehehehh…… balik sa kwento! Syempre sagot ang babae sa tanong nya! "Dito lang ako sa New York." Sagot naman ni babae. "aba, kala ko nasa Pinas ka? Ehh dito rin ako sa New York ehh.." o kitams magkalapit lang pala kayo! "anong phone number mo? Pedeng tumawag??" naks pown namber na ang hiningi, binigay namn ni babae ang pown namber nyah. So tinawagan agad ni laber boy ang kanyang sweety pie piazza pie..
ngeks bakits parang galet?? "pede ba kitang puntahan jan sa haybol mo" tanong nitong ating bida.. "hinde pwede kasi strict ang parents ko ehh, next time na lang kapag pwede ok lang sa yo?" sagot na patanong ng chickbabes "yah sure" sagot ni fogi. So nagtuloy sila sa kanilang kalaswaan este kaligayahan sa internet. Maya-maya sabi ni babae - "hey Tomas pwede ka nang pumunta sito sa bahay! Umalis ang Mommy at Daddy ko ehh, nag-shopping kaya medyo matatagalan. Kaya naman nagmamadaling kinuha ni laber boy ang kaniyang BMW at pinuntahan si babae…

Nyakkkkk…. Kala ko ba BMW?? Bakit ka nangangabayo "ehh alang gasolina ang BMW ko, gusto mo yung isang sasakyan ko na lang ang gamitin ko??" nyeh sumagot!%@$#* o cge ano ba yung isang sasakyan mo? "Teka kunin ko lang" oki…
"okey ba?"Nyahhhh.. erpleyn?? Pero oki na yan… bilisan mo at baka nde mo abutan si sweety mows!!
So, nagkita na ang dalawang lover!! Naging regular na silang magkasama sa bawat araw! Palagi silang may deyt, kahit baon na sa utang sa credit kard 'tong si laber boy ay panay pa rin ang deyt nila…
At naisipan na nilang magpakasal… lumipas ang taon at nagkaroon na sila ng mga anak… at namuhay sila ng napakasaya!
Da End
o, ano pang hinihintay mo?? balik na!!!
tapos na po.. wala nang hubo!(baka sa ibang kwento meron!)
pindutin mo na dito o!! bilisss..
raymond