Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!
     
 

 

Ligawan:Noon at Ngayon
by Psyche
 
"Ang tanging permanenteng bagay lamang sa mundo ay pagbabago." Sa pag-usbong ng bagong milenyo, maraming kapansin-pansing pagbabago ang ganap na nangyayari sa ating lipunan. At isa na rito ang panliligaw.

NOON

NGAYON
* matagal ang panliligaw

* mabilis...o meron pa ba?

* kailangan maimpress yung babae * dapat alam ng lalaki na impressed na sa kanya ang babe bago siya manligaw
* kailangan ng lalaki magbigay ng roses * dapat may i-text siyang rose
* kailangan naka baring ang lalaki kapag dumadalaw * kailangan naka polo-shirt siyang Abercrombie & Fitch
* mag-iigib pa ng tubig ang lalaki para sa babae * ilibre ka lang niya ng frapuccino sa Starbucks, ok na
* kailangan pang ligawan ng lalaki ang mga magulang ng babe * kung ok siya sa kaibigan mo, pwede na
* kawanggawa * kawang salita
* sa bahay nagliligawan * sa telepono na lang
* sa Luneta namamasyal * sa Galleria
* 10:00 na, uuwi na yung lalaki * 10:00 na, parating na siya
* nakapomada pa ang lalaki para maayos ang buhok * mag-cap na lang siya, ayos na
* nagsusulatan kayo * nagtetext
* flowers ang binibigay ng lalaki * flowers pa rin ;)
* kailangan haranahan ka ng lalaki * kailangan sendan ka ng ok na ring tone
* kailangan gawan ka ng tula * kailangang magsend siya ng love quotes sa text
* kailangan kamukha niya si Eddie Gutieres para sagutin mo siya * kailangan kamukha niya si KC Montero (hay...!)
* kailangan magaling mangastila * kailangan magaling siya mag Taglish
* kailangang magaling magsipa * kailangan magaling siya magbasketball o soccer
* sina Guy and pip ang idol na love team ng mga nagliligawan * sina Marvin at Jolina na!
* dapat naka Topsider na sapatos ang lalaki para maporma * dapat Ferragamo o Bally and sapatos niya
* kwarta siya kapag dinala niya yung box-type na Lancer na kotse niya * kahon siya pag ginamit niya yun!
* si Kuya Eddie pa ang hinihingan ng payo sa radyo tungkol sa pag-ibig * nandiyan si Doctor Love o si Joe D' Mango
* kilos Maria Clara ka kapag nariyan ang manliligaw * umaasta kang Ara Mina kapag nandiyan na siya
* mga lalaki lamang ang nanliligaw * hoy, mare! Sinagot ka na ba niya? (Aba mahiya ka kung may sagot ka sa tanong na ito!)
Bagamat maraming pagbabagong nagaganap sa istilo ng panliligaw mula noon hanggang ngayon, sana'y manatili pa rin ang tunay na kabuluhan nito, ang maipakita ng manliligaw ang sinseridad at malinis na paghahangad sa kanyang nililigawan.

 
 

The Magnificat
       Into 2000 Issue