Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!

poems...

 

tumatakbong ipis sa highway

Palakas ng palakas ang ulan,

aapaw na naman ang tubig sa kanal.

Ako'y aalis ngunit di alam kung sa'n patutungo.

Bahala na basta't hindi matitigok.

 

Hindi ko na alam kung pa'no pa muling babalik,

sa kanal na inaagusan ng tubig.

Dahil binabangga ng ulan ang aking pakpak

at ano mang segundo pwede akong mapisat ng jeepney at bus.

 

 

 

home