Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!

WELCOME!!!


gtungkol sakin

tungkol sakin...

 

Isa akong hamak at walang kwentang tao. Bakit mo pa binuksan to? Kilala mo ba ko?  Wag mo na basahin...

 

Isinilang ako nung May 27, 1983. Ang taon na kung kelan nagkakagulo sa Pilipinas (hanggang ngayon naman magulo pa rin). Ang tatay ko ay taga Pangasinan at ang nanay ko ay taga Pangasinan din. Pero parehong lumaki sa Quezon City. Hindi ako marunong mag-panggalatok pero meron akong alam na mga salita tulad ng WALAY (meron), ANGGAPULA (wala). Yun lang ang alam ko.

Nag-aral ako mula kinder hanggang grade 6 sa st. mary's college (Mother Ignacia Ave.), at highschool first at second year sa Sacred Heart Academy at third at fourth sa National College of Business and Arts. Una kong tumapak ng college sa Lyceum of the Philippines under ng engineering course at sa kasalukuyan ako'y nag-aaral sa Adamson under ng mass communication course.

Meron akong isang kapatid at kasalukuyang nag-aaral sa FEU. Meron din akong kambal ngunit siya ay namatay nung kami ay isinilang. John ang kanyang pangalan at swerte ko ako ang nabuhay.

Una akong nagkaroon ng trabaho nung ako ay 16 pa lamang. Nagtrabaho ako sa Videoshop ng tito ko sa Zabarte Rd Q.C na kung saan ay araw-araw akong nanonood ng mga pelikula at ng mga adult material movies. Ang pangalawa kong trabaho ay sa Law Office ng yumao kong Lolo. Dun ako natutong mag-type ng mabilis.

Palagi akong may bitbit na thesaurus san man ako pumunta. Iisa lamang ang aking pantalon. Mahilig ako sa white polo at ADIDAS snick'rs. Dati akong nagsusuot ng VANS SANTOS, ngunit ito ay super laspag na.

Sa ngayon ay wala na kong ibang iniisip kundi ang makapagtapos ng pag-aaral. Wala akong girlfriend dahil ayoko ng istorbo. Wala akong pera dahil wala akong trabaho. Wala akong magawa dahil tamad akong tao. Kaya sinasabi ko syo, nagsayang ka lang ng oras sa pagba-basa nito.

 

 

 

 

 

 

poems

Ang tula ko...

 

tumatakbong ipis sa highway

Palakas ng palakas ang ulan,

aapaw na naman ang tubig sa kanal.

Ako'y aalis ngunit di alam kung sa'n patutungo.

Bahala na basta't hindi matitigok.

 

Hindi ko na alam kung pa'no pa muling babalik,

sa kanal na inaagusan ng tubig.

Dahil binabangga ng ulan ang aking pakpak

at ano mang segundo pwede akong mapisat ng jeepney at bus.

 

 

 

Email: Jaeson_meek@yahoo.com