Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!

MARCELO H. DEL PILAR

Sa panahong sila'y naging magkasama sa Espanya at napabilang sa parehong mga organisasyon, maraming mga kaisipan nina Del Pilar at Rizal ang magkaktulad. Ngunit dahil sadyang magkaiba ang dalawang tao o bagay man, sa paghahambing, meron at meron pa ring makikitang kaibahan sa kanilang mga ideya.

Kapwa sila nagnanais na magkamit ng pantay na karapatan ang mga Pilipino at Kastila. Tungkulin ng gobryernong tiyakin na nakatatanggap ang mga mamamayan ng kanilang kaukulang karapatan sa ikabubuti nito.

To govern is to procure the well being of the governed; to endeavor to place the welfare in the hands of the governed the full exercise of their rights and the tranquility of their homes and their family. If instead of that, it results that government is a mere institute of dominion and symbolizing the ever present shackle for hte individual rights of the citizens, what attachment or loyalty can be expected from them in favor of the government...? ("To the Governors and the Governed in the Philippines"; La Solidaridad; Year VII, No. 158 (Madrid: August 31, 1895), p.173)

Ang gobyerno ay hindi makatarungan kung pipigilin nito ang kalayaan at ipagkait ang karapatan ng indibidwal.

To declare that all claims regarding liberty for the Philippines are contrary to and incompatible with Spain's interests is to establish a principle that Spain is not only incapable to maintain the freedom of that country, but that is also for her convenience that the Filipinos be in a state of slavery; that Spain has more preference to govern the Islands of slaves that keeping imbued with the idea that the liberty for Filipinos were counter to Spain's wish, then it is time to convince oneself that the flag of Spain in an insult and a dishonor to the people's legitimate aspiration for their pursuit of their rights and happiness. ("To the Governors and the Governed in the Philippines"; La Solidaridad; Year VII, No. 158 (Madrid: August 31, 1895). p. 173

Isinulong ni Del Pilar at Rizal na maibalik ang representasyon sa Cortes upang maiwaksi ang paghahari-harian ng mga prayle.

It is precisely the sovereignty in Parliament which is asked form Spain instead of the high-handed exercise of power by the monks in their convents. ("Parliamentary Regime for the Philippines"; La Solidaridad; Year II, No. 33 (Madrid: June 13, 1890), P.129)

Naging layon rin ni Del Pilar sa kanyang pag-organisa ng propaganda ang pag-antala kung hindi man pagpigil sa pagsiklab ng rebolusyon. Naniniwala sila ni Rizal na maisasakatuparan ang mga repormang binabalak sa isang mapayapang proseso. Ngunit batid ni Del Pilar ang pangangailangang gumamit ng dahas kung hindi makuha sa legal na pamamaraan ang pakikipag-ayos. Nagiging makatwiran ang pagsuway sa batas kapag ang tao'y pinagkaitan ng karapatan. Hindi man sinusuportahan ni Del Pilar ang rebolusyon, hindi naman niya ikinakailang maaari itong maging landas ng mamamayan sa paglaban.

Uprising does not establish nor can establish any aim: it merely is a means or a resort but only as a last remedy. Only those oppressed by tyranny due to their disappointment or are repeatedly trampled upon or because they are convinced that the procedures resorted to are not efficacious for the eradicaton of evils in their midst, then they can appeal to it as a last weapon to their redress. (“Neither Do We”; La Solidaridad; Year VI, No. 120 (Madrid: January 31, 1894), p.16)

Tinuligsa rin ni Del Pilar ang mga kabalintunaan ng mga prayle at sinabing tutol siya sa “monastisismo”. Bagaman kapwa ibig nila ni Rizal na ipatupad ang sekularisasyon ng mga parokya, nais namang tuluyang paalisin ni Del Pilar ang mga prayle, salungat sa pahayag ni Rizal sa kanilagn dayalogo ni Ricardo Carnicero, military governor ng Dapitan:

Carnicero: Do you favor the expulsion of the friars?
Rizal: No, sir, because in my country there is elbow room for everybody.
(Epistolano Rizalino, Vol IV)

Ang paghihirap dulot ng pagmamalupit at pang-aabuso ng taong masa posisyon sa gobyerno ay mga natural sa pasakit sa mga tao na sa kanilang paglabana at pagraos sa kasawian ay mapapabuti and kanilang sarili ayon kay Del Pilar. Kaya marapat silang magtiis, magtiyaga at huwag mawalan ng pananalig sapagkat ang mga pagdurusang ito ay ang magpapabuti sa buhay nila sa hinaharap.

Asimilasyon ng Pilipinas at Espanya ang pangunahing itinataguyod ni Del Pilar. Hindi niya layong mapahiwalay ang Pilipinas sa Espanya dahil maantala nito ang proseso ang pag-unlad ng mga Pilipino sa political at sosyal na aspeto.

The Philippines will not back our from her ideals and hopes… she will undoubtedly vindicate her rights, as human power has ever hindered the march of progress in a country badly governed, where inherent rights had been taken away from its personality. Here and there, everywhere, will arise factors of indisputable importance… and we give our most ardent vows that with the help of Spain, the final redemption will come to the oppressed country. (“Redemption of the Philippines”; La Solidaridad, Year III, No. 55 (Madrid: May 15, 1891), p.397)