MGA SOSYAL AT PULITIKAL NA IDEYA NI RIZAL

(hango sa "Rizal's Socio-political concepts" ni Esteban A. De Ocampo)

"Noli me tángere, words taken from the Gospel of St. Luke, means: do not touch me at all. The book therefore contains things that no one in our land has ever until the present time spoken of because they are so delicate that they did not consent at all to being touched by anyone. I myself have tried to do what no one has wanted to. I felt obliged to answer the calumnies that have been heaped over us and our country for centuries: I've described our social situation, our lives, our beliefs, our hopes, our desires, our grievances, our sorrows; I've unmasked the hypocrisy that under the mantle of Religion came to impoverish us, to make us stupid; I've differentiated between true Religion and false, superstitious religion, which traffics with the sacred word to make money, to make us believe idiocies that would make Catholicism blush if it ever learned of them. I've unveiled what was hidden behind the tricky and brilliant words of our governments; I've told our compatriots about our prejudices, our vices, our guilty and shameful complacencies with those wretches. Where I have found virtue I have proclaimed it to render homage to it; and if I haven't wept while speaking of our unhappiness, I have laughed, because no one would want to weep with me over the sorrows of our country, and laughter is always good for hiding one's pains." 1

Ang siping ito ay nagmula sa isang sulat ni Jose Rizal na ibinigay niya sa isang kaibigan noong Marso 1887 mula sa Berlin. Isa ito sa mga akda at gawa ni Rizal na nagpapakita at sumasalamin sa kanyang mga sosyal at pulitikal na kaisipan. Paano nga ba natin maiintindihan ang mga pulitikal na kaisipan ni Rizal? Kailangan nating isaalang-alang ang mga kondisyon ng ating bansa noong panahon ni Rizal, noong taong 1861 hanggang 1896. Ayon kay Zaide, "The government established in our country was defective. It was a government in the Philippines for the Spaniards, not for the Filipinos." (Zaide, p.288) Makikita natin ang kalagayan ng Pilipinas noong nasa ilalim pa ito ng pamamahala ng mga abusadong mga Kastila. Mga tiwaling opisyales ang namumuno sa gobyerno. Naging mali ang pamamalakad nito lalung lalo na ang administrasyon ng hustisya, na kung saan ang hustisya ay ipinagkakait sa mga Pilipino. At ang pagsasanib ng relihiyon at pulitika ay mas lalong nagpalala sa sitwasyon. Dahil mataas ang tingin ng mga Pilipino sa relihiyon at dahil naimprinta sa kanilang kamalayan ang kaparusahang naghihintay sa kanila sa "imperyerno" kapag sila'y (mga prayle) sinuway, sinamantala ito ng mga abusadong prayle at ng simbahan upang makuha nila ang kanilang mga ginusto.

Sa mga kamalayang ito namulat si Jose Rizal. Ipinanganak siya noong June 19,1861 sa bayan ng Calamba, at kahit na may kaya ang kanyang pamilya, ay hindi nakaila sa kanya ang masamang kondisyon ng kanyang mamamayan na pinagmamalupitan ng mga autoridad. Sa isa sa kanyang mga isinulat:

"….At most every day, in our town, we saw the Guardia Civil lieutenant canning and injuring some unarmed and inoffensive villager. The villager's only fault was that he had not taken off his hat and bowed.

…..We saw no restraint put upon brutality. Acts of violence and other excesses were committed daily. The officers whose duty it was to protect the people and keep the public peace were the real outlaws."

Makikita natin, na sa murang edad, ay buhay na ang kamalayan niya sa mga pang-aapi sa mga kababayan. At sa murang edad ay napag-isip niya kung sa bansang ito lang ba nagaganap ang mga karahasan: "… I asked myself if, in the lands which lay across the lake, the people lived in this same way…" 2

Sa murang edad niya, marahil ay hindi ito mamumulat kundi rin dahil sa impluwensya ng kanyang pamilya. Si Teodora Alonso, ina ni Rizal, ay responsable sa karunungan ni Rizal. Mayroong naisulat si Rizal ukol sa karunungan ng kanyang ina:

"At tunay siyang hindi karaniwang babae; maalam siya sa panitikan, at mas magaling sa aking magsalita ng Espanyol; siya ang nagwawasto ng aking mga tula at nagbibigay na payo noong nag-aaral pa ako ng retorika; isa siyang matematisyan, at napakarami nang nabasang aklat."3

Isa sa itinuturing na importanteng kaganapan sa buhay ni Rizal ay naganap noong 1872, noong labing-isang taong gulang pa lamang siya, nang masaksihan niya ang kawalan ng hustiyang iginawad sa tatlong inosente at martyr na pari: Sina Padre Mariano Gomez, Jose A. Burgos, at Jacinto Zamora. Ginising nito ang kamalayan ni Rizal, at lubos niyang dinamdam sapagkat ipinangako niya pa itong ipaghihiganti:

"….At the sight of those injustices and cruelties, my imagination was awakened while I was still a child and I swore to dedicate myself some day to avenge so many victims, and with this idea I have been studying, and this may read in all my works and writings. God will some day give me the opportunity to carry out my promise. Well! Let them commit abuses, let there be imprisonments, banishments, executions, very well! Let destiny be fulfilled! The day they lay hands on us, the day they martyrize our innocent families because of us, that day will be the end of the friar government, perhaps of the Spanish Government…"4

Naniniwala si Rizal sa kahalagahan ng edukasyon sa kanyang mithiin. Dahil sa angkin at naiibang kahusayan at katalinuhan, nanguna siya sa kanyang klase,sa aspetong akademiko, sa Ateneo, at lumaon, sa Unibersidad sa Santo Tomas. Nagsilbi siya bilang isang hamon sa ilusyon sa paniniwala ng mga Kastilang "mas mataas na uri" kaysa sa mga Pilipino. Ngunit nang lumaon ay nahirapan siya sa kanyang pag-aaral dahil sa pagpipilit ng mga prayle na sumunod siya sa patakaran at sistema nila.

Dahil dito, ipinasya nilang magkapatid (Jose at Paciano) na ipagpatuloy na lamang ni Jose ang pag-aaral sa ibang bansa, ayon na rin sa nasabi ni Padre Burgos na ang mga intelihenteng Pilipino ay nag-aaral sa ibang bansa.

Nakapagtapos si Rizal ng kanyang pag-aaral sa ibang bansa. At dahil sa kanyang di-kinakalimutang adhikain, inialay niya ang sarili niya sa pangangampanya sa mga repormang nais niyang ipatupad sa Pilipinas. Sa pagsasalita at pagsusulat niya sa Europa, ay ninais niyang iparating at hikayatin ang kanyang mga kabayan doon at pati na rin ang mga dayuhan upang tulungang mapabuti ang kalagayan sa Pilipinas. Sa sulat niya kay Ferdinand Blumentritt, sinabi ni Rizal na hindi kailangan na humiwalay si Rizal sa Espanya, ninanais lamang niya na bigyan sila ng karagdagang atensiyon, mas mabuting uri ng edukasyon, mga mabubuting empleyado sa gobyerno at karagdagang seguridad para sa bawat mamamayan at kanyang ari-arian.

Upang higit na maintindihan ang mga pulitikal na ideya ni Rizal, narito ang ilang halimbawa ng mga repormang nais niyang ipatupad sa Pilipinas:

Reference:

1 Elizabeth Medina "Annotated Translation of W.E. Retana's 1907 Biography of José Rizal", c1998
Elizabeth Medina "Rizal According to Retana: Portrait of a Hero and a Revolution"
Gregorio Zaide "The History of Our Republic" Manila, 1952.
2 Austin Craig, editor. "Rizal's Own Story of His Life" Manila, 1918.
3Liham kay Ferdinand Blumentritt, 8 November 1888. Epistolario Rizalino, vol.5, no.56.
4Rizal's letter to Mariano Ponce, etc. Paris, April 18,1889. Epistolario Rizalino, Vol.2, p.166.
Austin Coutes. "Rizal: Makabayan at Martir." Salin ni Nilo Ocampo. UP Press, 1995.