Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!

Diskusyon at mga Debate

     Ang seksyon na ito ay tatalakay sa mga nagaganap na pakikipag debate or diskusyon ng mga Adventista dito sa Pilipinas laban sa ibang mga pananampalataya.

     Ang debate ay naganap nung June 17 sa pagitan ng aming grupo laban sa Pentecostal Missionary Church of Christ (4th Watch). Ang debate noong June 17, 2005,, ay ginanap sa Angono Plaza Gym at ang mga participants ng debate ay si Bro. Ronald Obidos ng SDA at Pastor Art Ferriol ng PMCC 4th Watch. Ito ay ginanap mula alas 8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon. Dalawang paksa ang pinagtalunan. Sa umaga ang PMCC ay tatayo bilang affirmative sa paksang "Ang pagsamba at Sabbath ng mananampalatayang Cristiano ay unang araw ng Sanlinggo (Sunday)" at tinutulan naman ito ng panig ng mga SDA at nung hapon naman ang mga SDA naman ang tumayo bilang affirmative sa paksang "Ang pagsamba at Sabbath ng mananampalatayang Cristiano ay Sabado (Saturday)" at tinutulan naman ito ng PMCC.

     Sinikap ng mga PMCC na pinangunahan ni Pastor Ferriol na itayo ang pangingilin ng Linggo subali't hindi siya nagtagumpay na patunayan ito sa pamamagitan ng Biblia. Sa halip, mas marami syang ginamit na mga reperensya na labas sa Biblia! Matagumpay na ibinuwal ni Bro. Ronald Obidos ang mga argumento ni Pastor Ferriol kaya nung umaga pa lang ay naubusan na sya ng sasabihin kaya ang ginawa niya ay lumayo na siya sa paksa sa pamamagitan ng pag atake kay Mrs. Ellen White! Halimbawa, nung tanungin siya kung meron bang kahit isa man sa mga talatang ginamit niya na nagsasabing ang araw ng Linggo ay Sabbath na!

     Isa pang mahalangang hamon na hindi sinagot ni Pastor Ferriol ay yung hamon ni Bro. Obidos na magpakita sya doon mismo sa mga talatang ginamit niya na kahit isa man dito ay nagpapakita na si Cristo mismo ay bumigkas o gumamit ng salitang "Unang araw ng Sanlinggo" o "Linggo"! Naghintay si Bro. Obidos na sagutin ito ni Pastor Ferriol mula umaga hanggang hapon subali't nabigo si Pastor Ferriol dahil wala syang naisagot dito. Bandang huli, sa cross-examination ni Bro. Obidos inamin din ni Ferriol na "hindi na binanggit" ni Cristo na ang Linggo ay Sabbath na! Ang palusot ni Ferriol ay sapagkat "ipinahayag daw ito ni Cristo sa mga Apostol" nang tanungin ni Bro. Obidos saan mababasa ang pahayag na ito ni Cristo sa mga Apostol ay wala naman siyang mapakitang talata sa Biblia! Hindi niya nasagot ang mga katanungan pa ni Bro. Obidos tungkol dito gaya ng "paano niya nalaman na ito ay ipinahayag sa mga Apostol?" sa pamamagitan ba ng "tinig"? or "nakasulat" na utos? Sa kasamaang palad parehong hindi nasagot ni Pastor Ferriol sa kanyang mga tayo.

     Ang pinakatampok na pagwawagi ng mga SDA ay nang tanungin ni Bro. Obidos kay Mr. Ferriol kung ano ang tinutukoy na "natitirang Sabbath" sa Hebreo 4:9, ito ba ay ang "unang araw" o "ikapitong araw"? At hinamon ni Bro. Obidos ng "showdown" na basahin ni Mr. Ferriol sa Heb. 4:9 na basahin na "unang araw" iyon at babasahin naman niya na "ika-pitong araw" ito. Nang walang mabasa si Mr. Ferriol tinanong ni Bro. Obidos kung papayag ba sya na si Mr. Obidos mismo ang magbasa at nang pumayag ay binasa ni Obidos ang Hebreo 4:9 sa salin na NEW JERUSALEM BIBLE na ganito ang nakalagay: "There must still be, therefore, A SEVENTH-DAY REST reserved for God's people." Doon natapos ang debate at hindi makapaniwala ang mga 4th Watch na may mababasa nga! Sinikap ni Mr. Quillao na bumawi sa pamamagitan ng pagsasabi na hindi daw SEVENTH-DAY REST ang nakalagay kundi SABBATH-REST daw kaya lalong nahalatang hindi nila alam ang sinasabi nila dahil maliwanag mismo sa binasa na salin ni Bro. Obidos na "SEVENTH-DAY REST" ang nakalagay! Ganun na lamang ang sama ng loob ng mga members ng PMCC kaya maging sa website nila ay ganun na lamang ang kanilang sama ng loob kaya kaysa wala silang mai report at maiparinig na debate ay kahit paano nag upload sila ng streaming audio para mapakinggan pero putol-putol! Hindi nila pinaparinig lahat samantalang yung ibang debate nila like sa Assemblies of Yahweh bukod sa streaming VIDEO na MAHABA PA! WHAT A DESPERATE MOVE! GLORY TO GOD!