Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!

Ellen White at ang Biblia

     Ang isa sa pinakamahalagang bahagi ng mga pangunahing aral na sinasampalatayanan ng mga Seventh-day Adventist ay ang tungkol sa pagkatawag at gawain ni Mrs. Ellen G. White. Sino si Mrs. White? At ano ang kanyang mahalagang papel na ginampanan sa Iglesiang ito? At ano ang relasyon ng kanyang mga sinulat na mga aklat sa Biblia?

     May tatlong mahahalagang prinsipyo na dapat maunawaan ng lahat tungkol sa paniniwala ng mga Seventh day Adventist hinggil sa gawain at ministeryo ni Ellen White:

     1. Na hindi namin itinuturing ang mga sulat ni Ellen G. White bilang karagdagang mga aklat sa kompleto nang banal na Kasulatan.

     2. Na hindi po namin itinuturo na ang mga sinulat niyang mga aklat ay patungkol sa buong sangkatauhan, na kagaya ng Biblia, sa halip ang mga mensahe ng kanyang mga sinulat ay para lamang sa Seventh-day Adventist Church.

     3. Na hindi namin itinuturing ang kanyang mga sulat sa katulad na diwa ng mga Banal na Kasulatan, na tanging siya lamang na sukatan na kung saan ang lahat ng iba pang mga aklat ay kailangang hatulan.

     Ang mga Seventh-day Adventist ay nagkakaisang naniniwala na ang kabuoan ng Kasulatan ay sarado na sa pamamagitan ng aklat ng Apocalipsis. Naninidigan kami na ang alin mang iba pang mga naisulat at mga aral, saan man ito nagmula ay kailangang hatulan ng, at dapat ay mapasailalim ng Biblia na siyang batayan ng paniniwala ng mga tunay na kristiyano. Aming sinusubok ang mga isinulat ni Ellen White sa pamamagitan ng Biblia at hindi sa anumang paraan na aming sinubok ang Biblia sa pamamagitan ng kanyang mga sinulat. Si Ellen White mismo at ang iba pa sa aming mga manunulat ay paulit ulit na naninindigan at nagpapatotoo sa tungkol sa puntong ito.

     Sa kanyang unang aklat, noong 1851, sinabi niya ang mga sumusunod tungkol sa Biblia:

     "I recommend to you, dear reader, the Word of God as the rule of your faith and practice. By that Word we are to be judged." (Early Writings, p.78)

     Sa kalaunan ay sumulat din siya ng ganito:

     "The Spirit was not given-nor can it ever be bestowed-to supersede the Bible; for the Scriptures explicitly state that the Word of God is the standard by which all teaching and experience must be tested."(The Great Controversy, Introduction, p. vii)

     At sa kanyang panghuling pagsasalita sa harap ng mga nagkakatipong mga delegado sa isang sesyon ng General Conference ng mga Seventh-day Adventist sa Washington, D.C., noong 1909, matapos niyang magbigay ng kanyang mensahe sa harap ng malaking pagtitipon, itinaas niya ang Biblia ng kanyang kamay at nagsabi:

     "Brethren and sisters, I commend to you the Book."

     Ito ang nakaugalian niyang paniniwala at laging itinataas ng higit sa lahat, ang Banal na Kasulatan na siyang pundasyon ng ating pananampalataya.

     Hindi namin itinuturing si Ellen G. White na mayroong katumbas na kategorya gaya ng mga manunulat ng nabuo nang Kasulatan. Subali't bukod pa sa mga piniling mga manunulat ng kabuoan ng mga aklat ng Kasulatan, ang Diyos ay gumagamit din ng mga propeta o mga sinugo na nabuhay kaalinsabay ng mga manunulat ng dalawang bahagi ng Biblia subali't ang kanilang mga kapahayagan ay hindi kailanman naging bahagi ng Kasulatan. Ang mga propetang ito o mga sinugo ay tinawag din ng Diyos para magbigay ng mga nakapagpapatibay na salita, payo at mga paalala para sa mga sinaunang bayan ng Diyos. Ang ilan sa mga ito ay gaya nina Nathan, Gad, Heman, Asaph, Shemaiah, Azariah, Eliezer, Ajijah, Iddo, at Obed sa bahagi ng Lumang Tipan at Simon, Juan Bautista, Agabus, at Silas sa Bagong Tipan. Sa helera nito ay may mga kasama din na mga babae, gaya ni Miriam, Deborah, at Huldah, na pawang mga tinawag na mga propetisa, noong unang panahon, kasama din si Anna sa panahon ng Panginoong Jesus, at ang mga anak na dalaga ni Felipe, "na nagsisipanghula" (Gawa 21:9). Ang mga mensahe na nanggaling sa mga propetang ito, dapat nating matandaan, at nagmula din sa iisang Diyos na nagsalita sa pamamagitan ng mga propetang ang mga isinulat ay naging bahagi ng kabuoan ng Kasulatan.

     Na ang ilan sa mga propetang ito ay hindi lamang nagpahayag kundi sumulat din naman ng kanilang mga kinasihang mga mensahe ay pinatutunayan mismo ng Kasulatan:

     "Ang mga gawa nga ni David na hari, na una at huli, narito, nangasulat sa kasaysayan ni Samuel na tagakita at sa kasaysayan ni Nathan na propeta, at sa kasaysayan ni Gad na tagakita."(1 Cronica 29:29)

     Ang iba nga sa mga gawa ni Salomon, na una at huli, di ba nangasusulat sa kasaysayan ni Nathan na propeta, at sa panghuhula ni Ahias na Silonita, at sa mga pangitain ni Iddo na tagakita tungkol kay Jeroboam na anak ni Nabat?"(2 Cronica 9:29)

     Sa ganito din na kategorya namin itinuturing si Ellen G. White. Sa gitna ng samahang Seventh-day Adventist siya ay kinikilala bilang isa na nagtataglay ng kaloob ng espiritu ng panghuhula, bagaman siya mismo kailanman ay hindi nag ankin ng titulo bilang propetisa. Noong 1906 ipinaliwanag niya ito kung bakit. Ang mga kaanib ng Iglesia na naniniwalang siya ay tinawag bilang isang propeta ay nagugulumihanan sa isa sa kanyang kapahayagan sa publiko. Ito ang kanyang paliwanag:

     "Some have stumbled over the fact that I said I did not claim to be a prophet...Early in my youth I was asked several times. Are you a prophet? I have ever responded, I am the Lord's messenger. I know that many have called me a prophet, but I have made no claim to this title...Why have I not claimed to be a prophet?-Because in these last days many who boldly claim that hey are prophets are a reproach to the cause of Christ; and because my work includes much more than the word "prophet" signifies...To claim to be a prophetess is something that I have never done. If others call me by that name, I have no controvery with them. But my work has covered so many lines that I can not call myself other than a messenger."The Review and Herald, July 26, 1906.

Email: tinigsailang2005@yahoo.com