Cyber Sambahan

Usap Diwa ni Alvaro del Mundo

October 2000

October 11, 2000

SINO ANG IYONG KAMUKHA?

Noong ako ay bata pa nakakakita ako ng mag-asawa na nagtatalo kung sino ang kamukha ng kanilang anak gusto ng ina siya ang kamukha at ang sabi ng ama ay siya, ngayon ko lamang ito naunawaan nang ako ay nagka-anak na. Masarap ang pakiramdam at nagiging proud ka sa anak mo kapag nakikita mong lumalaking kamukha mo ang iyong anak.

          Anak ka ba ng Diyos? Ang Diyos ba ang iyong Ama? Habang lumalaki ka sa pananampalataya sino ang iyong nakakamukha? Maaari ka bang maipagmalaki ng Diyos?

Basahin: Job 1:6-12


October 17, 2000

NAGTAMPO KA NA BA?

Marahil ay naranasan na ng bawat isa sa atin ang magkaroon ng hindi pag kakaunawaan ng iyong kaibigan, kasintahan,asawa o mahal sa buhay sa isang maliit na kadahilanan, hindi bat napakahirap kung ang bawat isa sa atin ay hindi magpapakumbaba at aamin kung sino ang may sala?

Nagtampo o nagalit ka na ba sa Diyos? Nagkaroon na ba kayo ng hindi pagkakaunawaan ng Diyos? Sino ang hindi nakaunawa, sino ang nagkulang sino ang nagkasala, ang Diyos ba? O sadyang kulang pa ang ating kaalaman patungkol sa pakilos ng Diyos sa ating buhay kung kaya't dumarating tayo sa ganitong sitwasyon.

Nawa'y patuloy nating basahin ang kanyang salita upang lalo pa nating makilala at malaman ang patungkol sa ating Diyos na pinagsisilbihan. Pagpalain tayo ng Diyos na buhay.

Basahin: Jonah 3:1-4:11


October 28, 2000

NAGSUSUGAL KA BA?

     Sa kasalukuyan ang nararanasan natin ang kahirapan sa ating bansa, halos lahat na yata ng paghihirap ng isang bansa ay naranasan na natin lalo na ng mga kababayan nating mahihirap, at di kalaunan ay nabalitaan natin na mismong ang ibang simbahan ay nakikisalamuha na rin sa mga kaguluhang ito. Ang iba'y sumasama sa mga rally at ang iba'y nag-papasimuno pa ng rally. Isa sa mga isyu na nasa aking isip ay ang patungkol sa mga donasyon na nanggaling raw sa sugal.

    Nanalo ka na ba sa mga pa raffle o anumang mga palarong tulad nito? Nag-lolotto ka ba? Nag-jujueteng ka ba? Nag-susugal ka ba? Saan ba galing ang offering nating salapi na ibinibigay para sa Diyos? Galing ba sa pawis natin ang mga salaping ito?

Basahin: Kawikaan 3:9-10