Cyber Sambahan

Usap Diwa ni Alvaro del Mundo

November 2000

 

November 05, 2000

PANALANGIN SA TAONG MASAMA?

Masyado ng sikat ngayoon ang cellphone lalong lalo na ang text, at napakamahal din ng mga ito kung kaya't marami akong nababalitaang naaagawan , nadudukutan o nahohold-up dahil lamang dito. Noon namang isang araw ay nagising na lamang ako na may masamang balita. Ito palang aking kapatid sa kabilang bahay na habang mahimbing na natutulog ay nanakawan, nakuha ang kanyang wallet na may lamang pera. Marahil ay nakaranas na rin tayo ng iba't ibang uri ng kasamaang dulot ng ating kapwa.

Ano ang iyong gagawin bilang isang mananampalataya? Susumpain mo ba sya? Pag nakita mo ba sya ay gagawan mo rin ba ng masama? O Ipapanalangin mo sya? Anong klaseng panalangin?

Basahin: Lucas 23:34

 

November 19, 2000

MAY HALAGA BA?

Madalas akong makakita ng isang sentimo na kakalat kalat lamang sa lansangan at hindi ko ito pinag-aaksayahan ng panahong pulutin, kahit naman sino ay ganon din ang gagawin. Marahil ang magtitiyagang pumulot nito ay mga bata lamang hindi upang ipunin kundi paglaruan. Aaminin ko sa sarili ko na ito'y walang halaga, ang piso ay piso, ang isang daan ay isang daan maski na walang isang sentimo.... tama ba ako?

Wala akong ginagawa kapag may nakakasalubong akong taong grasa.
Wala akong ginagawa kapag may nakakasalubong akong pulubi.
Wala akong ginagawa kapag may nakakasalubong akong rugby boys.
Wala akong ginagawa kapag may nakakasalubong akong salot ng bayan.

May halaga ba sila.... tama ba ako?

Luke 18:35-43, Luke 17:12-19, Matt. 4:24

 

November 26, 2000

SINO BA?

Tayong mga pinoy ay mahilig sa mga alamat, ang alamat ay isang kwento kung saan nag mula ang isang bagay. Napakahalaga ng pinagmulan ng isang bagay minsan ay may mga bagay tayong hindi pinapansin ngunit sa oras na malaman natin ang pinagmulan o gumawa nito ay mabibigyan mo na ito ng kahalagahan. Katulad na lamang ng isang awitin hindi bat nabibigyan mo ito ng kahalagahan kapag alam mo ang istorya kung paano ito ginawa, hindi bat mas masarap panoorin ang isang pelikula kung napanood mo ang "movie in the making" nito?

Alam ba natin kung saan nagmula ang Biblia? Alam ba natin ang hirap ng mga eskriba upang makopya lamang ito? Sino sino ba ang mga taong namatay para malaya nating mabasa ito? Gaano natin pinahahalagahan ang Biblia?

Basahin: Juan 1:1-5