Cyber Sambahan

Usap Diwa ni Alvaro del Mundo

February 2001

 

February 04, 2001

Healing Crusade

Madalas akong makapanood sa TV ng mga religious programs katulad ng preaching, teachings, dabate at mga healing crusades, ang natuunan ko ng pansin ay ang mga healing crusades na isinasagawa ng iba't ibang religious groups. Pilay, bulag, bingi kahit anong sakit maging cancer ay may nagpapatotoo na sila raw ay gumaling.

Siguradong nakapasyal ka na sa ospital o marahil naranasan mo ng ma-ospital. Marami bang may sakit sa ospital? Nais ba nilang gumaling? Nais ba nilang makapakinig ng salita ng Diyos? Nais ba nilang makaramdam ng kagalingang mula sa Diyos? Nakabalita ka na ba ng healing crusades na ginawa sa ospital? Kung meron man gaano kadalas?


Basahin: Juan 5:1-6

 

February 11, 2001

LAMOK

Ang lamok ay isang maliit na insekto na kung titignan natin ay walang kayang gawin kung hindi ang gawan tayo ng pantal sa ating katawan. Nakaranas akong matulog ng may lamok na nakapasok sa aming screen at ito'y nakaistorbo sa magdamag, ng aking tignan kung ilang lamok ang nakapasok ay laking gulat ako ng malaman kong ito'y nag iisa lamang .

Gaano ka ba kaliit? Gaano ba kaliit ang kaya mong gawin? May magagawa ka bang maliit na bagay para sa ikaluluwalhati ng Diyos?

Basahin: Kawikaan 6:6-7

 

February 18, 2001

PLANO

Insurance, pension plan, educational plan, memorial plan at kung ano ano pang plan. Marami tayong makukuhang benepisyo dito sa mga darating na panahon at ito'y isa naring uri ng paghahanda para sa ating mga mahal sa buhay. Ngunit maraming tao ngayon ang hindi na iniisip ang kinabukasan dahil sapat lang o marahil ay kulang pa kinikita nila sa isang araw,ang mahalaga sa kanila ay ang mabuhay ngayong araw na ito.

Kung sakaling mamatay ka iniisip mo ba kung saan ka ililibing, iniisip mo ba kung anong mangyayari sa iyong pamilya? May tiwala ka ba sa Diyos?

Basahin: Mateo 6:34, Exodus 16:20

 

February 25, 2001

MAHAL MO BA AKO?

Ang mga babae ay madalas na magtanong sa kanilang asawa o boyfriend ng "mahal mo ba ako?" kapag sinabi mong oo magrerequest pa sila ng "sabihin mo nga" at may kasunod pa yang "talagang talaga?" sasagot ka nanaman ng oo at hindi pa dyan nagtatapos may karugtong pang "holding hands naman tayo o"

Ang Diyos ay nagtatanong ng parehong tanong "mahal mo ba ako, sabihin mo nga" hayagan pa nating isisigaw na oo. Dahil maraming kristiano sa nguso hindi sa puso ang Diyos ay nagtanong muli "talagang talaga?" sagot mo'y oo pa rin. At ang huling tanong nya "kaya mo bang abutin ang kamay ng mga hindi pa ligtas?".

Basahin: Awit 102:7, Mark 7:6, John 14:15