December 2000
December 24, 2000 | ||||||||||||||
ANONG PASKO? Ilan lamang ito sa aking nakikita tuwing sasapit ang Pasko.
Totoong may pangangailangan tayo, ngunit lungkot at maling pagsasaya ang dulot ng Pasko kung materyal na bagay ang ating titignan. Kung ikaw ay may Kristo na, anong Pasko mayroon ka? Basahin: Kawikaan 10:22 |
December 17, 2000 |
ANONG HIHILINGIN MO? Napanood ko ang pelikulang Alladin at ibang mga katulad nito, mapapansin natin sa kwento ang Genie na nagbibigay ng kahilingan sa taong sinumang mag-papalaya sa kanya sa loob ng boteng kinakukulungan nya. Hindi bat ang karaniwang hinihiling ng mga tao ay ang mag karoon sila ng maraming kayamanan, karangyaan at kung ano-ano pang luho sa kanilang buhay.Hihingi ako ng pagpapala, mauubos ba? Hihingi ako ng kalusugan, magkakasakit pa ba? Hihingi ako ng kalakasan, manghihina pa ba? Hihingi ako ng kapatawaran, magkakasala pa ba? Kung ikaw ay bibigyan ng Diyos ng kahilingan ano ang hihilingin mo? Basahin: 1 Hari 3:5-15, Mt 6:33 |
December 10, 2000 |
NAPAKINABANGAN BA? Madalas tayong pumunta sa mga mall o department store upang bumili ng ating mga kagamitan, minsan ay natutukso tayong bumili ng gamit na hindi naman natin masyadong kailangan. Matapos nating bilhin ay itatabi lang natin sa isang sulok o kaya naman ay ayaw nating gamitin baka masira o maluma. Hanggang sa lumipas na ang panahon ng ito'y ating balikan ito ay sira at hindi na natin pwedeng pakinabangan. Seminar dito seminar doon, attend dito attend doon, pakinig dito pakinig doon. Naka-ilan ka na ba? Balikan mo nga natatandaan mo pa ba? Baka naman kailangan mo pang bungkalin ang ga-bundok na hand-outs upang maalala ito? Ulitin mo na lang kaya? Napakinabangan ba? Basahin: Santiago 1:22-25, Matt. 25:25-26 |