Cyber Sambahan

Usap Diwa ni Alvaro del Mundo

April 2001

 

April 1, 2001

INTERNET

Sikat na sikat na ngayon ang internet lalong lalo na sa mga kabataang nag-aaral. Sabagay ay nakakawili rin naman ang mga impormasyong nakukuha natin dito.Ngunit minsan ay mabuburo ka dahil sa tagal o bagal bago ka makakuha ng impormasyon na gusto mo. Bakit hindi mo subukan ang JesusNet?

Sa JesusNet meron kang:

1.Unlimited access Lucas 11:9

2.Guaranteed connection Awit 91:15

3.Online HelpDesk Isaias 65:24

4.Free gift when you stay connected Juan 15:7

At ang pinakamaganda dyan LIBREEE!!!

 

April 8, 2001

Damdamin ng Kapwa

Tayong mga tao ay madaling makapagbitaw ng mga salitang nakakasakit sa ating kapwa lalong lalo na kung tayo ay galit. May mga pagkakataon pa nga na hindi na natin naiisip ang ating sinasabi at maiisip lamang natin ito kung tayo'y nakasakit na ng damdamin ng ating kapuwa.

Nasubukan mo na bang tumahimik muna kahit sandali bago ka magsalita at pag-isipan ang dapat mong sabihin? Nasubukan mo na bang ilagay muna ang sarili mo sa lugar ng taong pagsasabihan mo? Marahil ay sadya nating sinasaktan ang damdamin ng ating kapwa.

Basahin: Marcos 12:31

 

April 15, 2001

Tulong

May isang bata na naglalaro sa isang garden ng kanyang nanay at habang siya ay naglalaro ginaya nya ang kanyang nanay. Kumuha siya ng maliit na gunting at ginupit gupitan nya ang mga rosas na malapit ng sumibol. Nang makita ito ng kanyang ina siya ay pinagalitan at ang sabi niya ay "tinutulungan ko lang namang lumago ang mga rosas e".

Tinutulungan mo ba ang Diyos upang masagot ang kahilingan mo? Sa pagtulong mo upang masagot ang kahilingan mo nakasisigurado ka bang makakabuti ito?

Basahin: Mangangaral 3:11

 

April 29

Bahagi ng ating Buhay

Isang araw ng kami ay papasok na sa aming trabaho ay bigla na lang may naalala ang aking asawa. May nakalimutan siyang isang bagay na lagi nyang suot sa araw araw, ito ay kanyang hikaw. Nais nyang balikan ito ngunit malayo na aming nalakad kung kaya't dinaan ko na lang sa biro at ang sabi ko sa kanya "bakit hindi ka ba makakapagtrabaho ng walang hikaw?"

May mga bagay na itinuturing nating bahagi na ng ating buhay na kapag ito'y wala o hindi natin dala ay para bang tayo'y nalagutan na rin ng hininga.

Ang biblia ba kapag hindi mo nabasa sa isang araw, para ka bang nalagutan ng hininga o wala lang?

Basahin: Awit 119:116