Sa Bingit ng Isang Paalam
Spongecola
Sa isang tingin ko lang
Agad ko nang napupuna
Sa likod ng ‘yong ngiti
At kung paano ka tumitig sa akin
Tulad ng unang bituing
Iyong matatanaw
Sa nag-aambang dilim
Buong ningning pa rin kahit makain
Kinakailangan nga bang magtuos
Wala tayong dapat simulan
Ako’y kaharap mo’t nandito ngayon
Sabihin kung naguguluhan
Chorus:
Sa isang paalam lamang ba lahat magtatapos?
Sa isang saglit lahat malilipol
‘Di ko mahahayaan na walang magagawa
Ayaw kitang lumuhang nag-iisa
Pasensya na’t ako’y muling nauutal
Bumabagal ang pintig
Bumibigat laman ng aking dibdib
Hayaan mong hawakan ko
Ang ‘yong kamay
Upang mapawi ang lamig
Ng init pang nararamdaman
Kailangan nating isiping lubos
Ano nga bang ating dahilan?
San nga ba tayo nakatuon?
Kay rami nang mga nagdaan
Repeat Chorus
Kung meron lng ako ng pagkakataong
Sabihin sa’yo ang lahat
Maya-maya’y
‘Di na rin magtatagal
Matatapos ang gabi’t
Ang nagdaa’y ‘di na mananatili
Saan nga ba tayo nakatuon?
Ano nga bang ating dahilan?
( Special THANKS to ROBBIE MENOR for the MP3 & Lyrics ..Godbless po! )
(SA BINGIT NG ISANG PAALAM MP3 & Lyrics are copyrighted. Redistribution & Selling are not encouraged. Plz use it for your personal collection only)