Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!

ILANG TALA TUNGKOL SA BUKLOD CSSP                      

Sa taong ito, ang BUKLOD-CSSP na binubuo ng U.P. Bukluran sa Sikolohiyang Pilipino (U.P. BUKLOD-ISIP), U.P. Kalipunan para sa Agham Panlipunan at Pilosopiyang Pilipino (U.P. KAPPP), U.P. Lipunang Pangkasaysayan (U.P. LIKAS) at Sirkulo ng mga Kasaping Indibidwal ay nagpapatuloy sa pagsusulong ng mga nabanggit na makabuluhang programa at proyekto kasabay ng pagtataguyod ng iba pang makabago, malikhain at realistikong pagkilos, programa’t proyekto na kinakatawan ng Bisyon-Misyon nito na ginagabayan at sinasalalayan naman ng Pangkalahatang Haligi ng Bisyon-Misyon at Pangkalahatang Paninindigan ng Buklod CSSP at Alyansa ng mga Mag-aaral para sa Panlipunang Katwiran at Kaunlaran (ALYANSA).  Sa taong ito, bisyon-misyon ng Buklod CSSP ang: “Tayo ang Konseho: Nagkakaisa Tungo sa Makabuluhang Serbisyo.”  Binubuo ang pangkalahatang haligi ng bisyon-misyon ng KAPP: Kampanyang Progresibo, Aktibidad na Makabuluhan, Paglilingkod bilang Oryentsyon at Panlipunang Kamalayan.  Samantala, binubuo naman ang pangkalahatang panininindigan ng Buklod CSSP ng KAPP: Kapangyarihan ng Mag-aaral, Akademikong Kagalingan, Panlipunang Katwiran at Panlipunang Kaunlaran at Progresibong Multi-Perspektibong Aktibismo na kaugnay ng pangkalahatang paninindigan ng ALYANSA na PASS the Message for Change: Progressive Multi-Perspective Activism, Academic Excellence, Student Empowerment at Social Justice and Social Progress.

[BACK]