Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!
 HISTORY...
Ang grupong ito, na mga musikero, ay nagsimula noong 1983 bilang isang Marching Band. Sa paglipas ng panahon, marami na ang naging pagbabago sa grupo, tulad ng pagkadagdag ng iba't-ibang instrumento na siyang nagbigay daan sa pagiging isang Concert Band. Pagkalipas ng ilang taon, ito ay napalitan at naging kilala bilang DLSU Pops Orchestra, ang pinakaunang orchestra na "pop" sa Pilipinas. Sa ilalim ng gabay ni Maestro Eliezer San Felipe, ang mga talento ay nahasa ng lubusan. Malayo na ang kanilang narating at marami pang pangarap ang kanilang makakamit.
Katulad din ng isang ordinaryong orchestra, ang Pops ay binubuo ng iba't-ibang seksyon. Nariyan ang seksyon ng Reeds na nahahati sa dalawang instrumento, ang saxophone at clarinet; ang seksyon ng Flute&Brass; ang seksyon ng Strings; at ang seksyon ng Rhythms. Pero ang kaibahan ng Pops Orchestra sa ibang orchestra ay ang pagkakaroon nito ng seksyon ng Vocals at ng mga non-performing committees: Marketing & Solicitations Committee at Public Relations & Publicity Committee. Ipinamahagi ng DLSU Pops Orchestra ang kanilang musika sa iba't-ibang parte ng bansa. Bukod sa pamayanang Lasalyanong DLSU-Manila, DLS-Zobel, DLSU-Dasmarinas, DLSU-Lipa, USLS-Bacolod, tumugtog na rin sila sa ibang paaralan tulad ng Assumption Antipolo, Philippine Women's University, St. Paul College, Elizabeth Seton School, at marami pang iba. Naipamalas nila ang kanilang talento sa iba't-ibang mall tours dito sa Metro Manila tulad ng Alabang Town Center, Ever Gotesco Commonwealth at Ortigas. Hindi lang sa Metro Manila kilala ang Pops, kung hindi pati na rin sa iba't-ibang lugar sa Pilipinas dahil sa kanilang provincial tours. Nakarating na sila sa Pampanga, Bataan, Cebu, Negros, at Bacolod. At sa bawat lugar na kanilang pinupuntahan, magandang musika at alaala ang kanilang iniiwan.
Sa kabuuan, ang grupong ito ay binubuo ng iba't-ibang indibidwal. Ngunit ang susi sa tinatamasa nilang tagumpay ngayon ay ang kanilang iisang walang wagas na pag-ibig sa musika at lalung-lalo na sa DLSU Pops Orchestra.
Maestro Eliezer   Executive Board   Section Heads   Main Page