ULIT
Sanay muli kitang makita
pusoy walang hinanap na iba
di ka maalis sa ala ala
mga sandali na ikay nakilala
Para bang nangyari kahapon
ngunit matagal na palang panahon
mga oras na naitapon
mga sandaling tinangay na ng alon
Magkaroon sana ng gabay
upang maabot ang iyong mga kamay
lahat ay aking iaalay
maski ang natatangi kong buhay