"Paalam"
Haluyhoy ko'y dinig
Saan mang panig
Tainga'y tangan ng paa
Ngalit ng lupa'y
Tigib at dama.
Subalit.
Pamamaalam ay may
Salaysay ukol sa kalayaan
At ang kapayapaa'y
Tila isang isdang mailap
Sa pagtangan.
Bumulusok kara-kara
Sa dibdib ng karagatan
(pati yata siya'y naguluhan sa kaguluhan.
Lekat, siya nga pala si kalayaan).
Pilitin mang sundan,
Naalaala,
Sa paglangoy ako'y 'di maalam.
Heto't.
Nilingkis na ng lumot, binti't
paa
Ngatal na ang tinig sa paghingi ng kalinga
Tampal na sa pisngi ang dating hanging amihan
Pati araw ay lumisan, langit ay nakiraing.
Ngunit.
Lalangoy ako,
'Di malayo ang pagkatuto
Sisisirin,
Pipilitin,
Hahanapin,
Sana ay masumpungan.
Kapayapaan, sa dibdib ng karagatan.
Yayie---2/12/2001
|