ZambalesForum (ZF2)
Discussion Group's selected
message thread year 2003

Siya, meron bang iba rin diyan na namimiss ang pakikinig ng Simatar (not sure bout the spelling) ng DZRH at ang engkantada niyang ninang na si Eng-Eng? (Eeeeehihihihihi!) at ang lumilipad niyang kabayo na si Putim? Namimiss nyo rin ba yung lima-singkong babolgam na pulang bilog na pinanglilipstik ng mga bata, tira-tira at yung tamarindo (sampaloc na ginawang munting bola)? At uso din ba sa inyo ang bunot-bunot na ang pinaka-asam-asam ko noong mapanalunan ay sticker ng Star Rangers? Naalala ko rin yung panahon na wala akong paki-alam lumabas ng bahay na naka-brief lang at may suot na medyas at pulang tuwalya na inaspile at lumipad na ala Superman. Gosh! Hehehe! O kaya may kahoy at sisigaw ng Mi Thorrrrr! Noong 1940's, kapag may bra ang babae, pinagbubulungan na at mababansagang malandi. Noon din ay may French perfume na ang tatak ay Eclat (silent T). Kaya ang taong maarte ay tinawag ng mga Pinoy na Eclat (pronounce the T). Ngayon kapag maraming tsetseburetse at kaartehan ganon din ang tawag, "Ang dami mo namang eklat." Kinalaunan, pinaikli pa ang eklat at naging ek-ek- "Ang tagal mo namang magdesisyon kung sasama ka o hindi! Ang dami mong ek-ek!" Noong elementary ako, uso pa ang Wakasan, sinusubaybayan ko ang nobelang Tubig at Langis; ang Movie Especial na komiks kung saan kapanapanabik ang bawat eksena sa buhay ni Zuma na siya namang ama ni Galema. Sa komiks ang tawag sa babaeng nagbebenta ng panandaliang aliw ay baylerina. Kinalaunan, naging belyas, tapos naging English, hospitality girls tapos ngayon GRO. Elementary ako nang makagisnan ko ang batiang "Give Me Five". Masyado yatang pormal ang handshake kaya "Give me Five, Man" ang pumalit. Tuwang-tuwa ang mga magulang kapag natutunan ng kanilang anak na paslit ang mag-give me five. Tapos sa mga American games, naging High Five o "Give me five, up here!" Hindi pahuhuli ang Pinoy basta galing sa America. Ang "Give me five, up here" ay naging "Appear". Halos lahat yata ng Pinoy babies ganito ang series of training, "Anak, where is the light; where is the moon?" Ang nadagdag, "Appear! Appear!" At dahil sa E.T. ni Spielberg, "Align, Align!" Again, Tuwang-tuwa ang mga magulang. Noon, kapag nagkakantahan, gamit ay gitara at song hits (Jingle). Napalitan ito nang 70's-80's ng minus one. Tapos, karaoke. Ngayon, videoke, at sa huling talaan ng pagkakaalam ko, 8 na ang namamatay sa "My Way". Naalala ko noong elementary pa ko, nagtayo ang kuya ko at ng kanyang mga kaibigan ng isang Combo. Ngayon, ang tawag sa singing group ay-- Band, hindi na Combo at ang Combo ngayon ay tumutukoy sa Jollibee o McDonald's promo. From: rchlsnghtm.... Noong nasa elementary ako may patalastas (ads) sa tv na Alaska evap, imported na basketball player (si Big Bird ba?) at yong batang blondie and bida kaya nauso ang "Alaska man". Tapos si Francis Arnaiz (maka Toyota ako eh) at yong wife niya sa Blenda margarine naman. Ang cute nilang dalawa, nagpipinic-nic. Sa Blenda and sarap...sa Blenda and ligaya.... Noong maghiwalay sila ang sama ng loob ko eh. Maalala ko pa pag papaliguan na ang kapatid kong bunso, kailangang habulin pa. Tapos kakapit pa yan sa hagdan sabay sigaw...Atoy Co!!! Maka-Crispa kasi eh. Ako minsan patalon-talon pa sa shower kasi tag-ulan at malamig ang tubig (walang hot water no?). Sa katatalon ko nakatapak ako ng bubog. Ang damuhong kuya ko nakabasag pala ng bote sa loob ng banyo kasi doon niya ininom yong Magnolia ChocoVim. Nakabote baga kasi yan noong araw. Hayun sa MCU ang bagsak ko, malalim 'yong bubog eh, hindi mahugot dahil sa katatalon ko. Hang Ten ang usong bakya noon. Masarap siya sa paa at medyo matangkad ka pa ng konti pa suot mo. Pag nakikipaglaro ako ng football (ang football namin parang baseball style, may first base, second base, third at home pa) kailangan suot ko yan kasi para maganda ang sipa ko, lumilipad ang bola kaya ang tawag sa akin ay pakong bakya bwahahahaha. Misan lumilipad pa yan kasama ng bola, malas lang ang matamaan. Naaalala ko ang Voltes V, Annaliza at Flor de Luna kasi grade VI ako noong mag-umpisa ang mga palabas na yan. Agawan kami ng pwesto sa harap ng TV, ang telepono naka hang para walang istorbo. Pati erpats (father) ko na-addict din. Sa Student Canteen naman, si Bong Barrameda ang paborito ko kasi tinatalo niya lahat ang mga contestants. Naalala ba ninyo ang Eat Bulaga, Chicks to Chicks at Iskul-Bukol? Na-addict din ako diyan. Si Tonette Macho ang sarap batukan, masyadong maarte eh di naman bagay. Si Frieda Fonda yong nanalong Miss Body language na medyo mahaba ang nguso na akala mo'y sawa pag nagsayaw? Ang paborito ko dun si Ritchie da horsey na mukhang kabayo. Tapos sumikat naman si Maricel Soriano, si Shirley ba ng John and Marsha. Nauso naman yung expression na "ang labo mo George o kaya tsong". Pataas-taas pa yan ng kilay ha. Paborito ko silang dalawa ni William Martinez. Ang galit ng mama ko nung ipinaputol ko ang buhok ko, ginaya ko kasi yong "syte" ni Maricel eh. May konting spike sa harap tapos naka gel pa pati sa side, i-flip mo para magkasalubong ang effect sa likod. Patawa daw ako sabi ni mama. Ayoko sina Gabby at Sharon. Si Sha kasi maarte at si Gabby naman ay malaki ang panga. Tapos mga tear-jerkers pa gaya ng "Lovingly Yours, Helen" (RIP ate Helen), imbis na makipag-date ako sa boyfriend ko, manonood muna 'ko kasi ayaw kong maka-miss ng episode. Naalala ko pa ang patalastas ni ate Helen yong "The sick and the blind...the needy....and the motherless...." langya na peke ako noong una eh. Akala ko seryoso yun pala, Philippine Charity Sweepstakes (supistik sabi ni manag Edna na katulong ni mama) tickets ang ibinibenta, ang background music, "Ballade pour Adeline". Paborito ko noon si Madonna (Like a Virgin). Hayun mini skirt at cut-offs naman ang nauso sa akin. Padoble-dobleng t-shirt (colored sando sa loob, kahit anong lumang shirt sa labas) pa, kahit summer at tagaktak ang pawis sige lang, may Johnson's baby powder naman eh. Nanggalaiti na naman ang ermats (mama) ko rito. Huwag daw akong tumabi sa kanya sa simbahan dahil mukha raw akong "nabartek nga upa nga manok" (lasing na tandang). Kasi naman pati buhok ko naka-uso eh, may kulay na nga, naka-spike pa. Pati earrings ko, dangling sa kaliwa, star naman yong kanan. At ang crucifix na suot ko, halos kasing laki na noong nasa altar namin, nakakakuba minsan. Sabi ng erpats ko para daw akong madreng umaalembong. Ayaw akong tignan eh dahil baka daw mahambalos lang niya 'ko. Ang sapatos ko, metallic, ang belt ko ilang ikot yan, mahaba kasi eh. May matching bangles pa, peke nga lang he he he. Rachel |
From: rchlsnghtm.... Tagalog spokening tayo John he he he. Rachel ----- Original Message ----- From: ragingbull22.... Putris, Rachel, pinahiya mo naman yata ako sa Tagalog mo. ;-D John From:
longteco@opton... Teka mahirap ito. Magkakabukuhan nang edad nito. Nag-elementary ako sa Saint Mary's Academy sa Yakal Street- Tondo, Manila. Kaya ako ay laking Tondo. Bagamat pag-aari namin ang aming tinitirahang bahay sa kanto nang Almeida at Quricada, napaliligiran kami nang mga squatter, lumpen sa mga aktivista or sa modernong Tagalog e jologs. Kaya siguro utak jologs din ako. Ang kinagigiliwan kong kamag-aral at lagi kung tinitignan e nakakahiya man sabihin, ay walang iba kundi si Ate Vi. OO, walang iba kundi si Vilma Santos na kababata ko, at kabaitang. Minsan nagkita pa kami sa Escolta, kasama ko ang aking mga magulang, ganun din siya. Ngunit sadyang torpe pa ang inyong linkod noong mga panahong yoon at ako'y na-pipi. Inaabutan niya ako nang hopya, ako po ay naging sing pula nang kamatis. Hanggang sa kami ay nagsipag-alis na sa paaralan namin at nagtungo na nang mataas na paaralan, hanggang tingin na lang po ako. Siya ay nag-artista, ako naman ay nagtuloy nang mataas na paaralan at kolehiyo sa U ST. Ang aming mga laro noon ay ang mga karaniwang laro tulad nang tumbang-preso, trumpo, taguang-pung at tiraduran. Mahilig din kaming manghuli ang magalaga nang mga isda galing sa estero. Dahil nga nakatira kami sa Tondo, madalas din akong nakakakita nang panaan, mga kapitbahay na naghahabulan nang balisong at itak, at paminsan-minsan ay sumpak. Mabuti na lang at ang umuupa sa ibaba namin ay isang kapitan nang Manila police kaya medyo iwas sa amin ang gulo, hanggang dun lang sila nagpapatayan sa may harapan namin. Sa aming kanto, ang humahawak ay sigue-sigue commando. Doon naman sa Yakal at Bambang na tinitirahan ni Vi ay mga Bahala na gang. Masarap din minsan manood nang mga labanan nang magkabila, panay ang hila naman sa akin nang nanay ko kasi yung mga bato, umaabot na minsan sa bubong namin. Kapag gayon naman e di nagtatagal at dadating na si kapitan at magpapaputok na nang kanyang Thompson at muli nang mangingibabaw ang katahimikan. Makukulay ang mga pangalan nang aking mga kapitbahay noong bata pa ako. Nandiyan si Ben Cobra atsaka si Andoy Taga. Nandun din si Bebeng pakawala ngunit di ko po natikman yung kanyang pagka-pakawala. Mahirap lang kapag sila ay nalalasing kasi nagliliparan ang mga bote at pana. Noong minsan ay ang kanilang hinabol ay ang kuya ko. Mabuti at nakapasok kaagad sa bahay ang kuya ko at sila naman ang hinabol nang Smith and Wesson. Ang huling balita ko ay mga nagsipanaw na sila, medyo hindi yata sila napagpasensyahan ni Alfredo Lim. Gayunpaman, sabi nga nila, sa Tondo man may langit din. Hindi naman laging ganoon ang nangyayari. Masaya din ang mga fiesta at kapag hindi lasing ay matitino naman ang mga kapitbahay namin. Kapag kailangan mo ang kanilang tulong, madali silang tawagin. Dumating ang panahon, nalinis na yung mga squatter at nailipat na nang tirahan, tumahimik na rin, ngunit wala na kami noong nangyari yun. At marami din ang nagsipag-asenso sa kanila. Isa-isa mo silang makikita, umaalis, inihahatid sa airport papuntang ibang bansa o di kaya, sa mga bagong bahayan sa Paranaque at Las Pinas. Yung iba naman ay naging pulis at nagsipag-bilang nang kabit. Kami ay napatira sa BF Homes- Paranaque at naging kapitbahay ko si Snooky Serna. Ewan ko ba, malapit ako masyado sa showbis e kaso di naman ako pang showbis. Ayun, hanggang kaway at tingin na lang. Ngunit di ko pa rin makakalimutan ang Tondo. Sabi nga, ang mga tao dun, hindi plastik. Yung mga jologs, kahit ganun ang buhay nila, meron silang isang salita. At kapag nakuha mo ang kanilang loob, kahit sa patayan, ma-aasahan mo sila. Eka nga ni Ben Cobra, "kosa, isang ginebra lang, lalagyan ko nang gripo tagiliran niyan". Kaso wala naman akong kaaway kaya di ko napakinabangan yung sinabi. Oo nga pala. Noong minsan, kasama ko syota kong doktora. Kumakain kami sa Ihaw-ihaw e biglang pumasok si Vi, kasama ang isang pulutong na alalay. Nanalo siya noon nang FAMAS at sumulat ako sa napkin, binati ko siya sa pagkapanalo niya at pinabigay ko sa waiter. Bigla pong isinigaw nang pagkalakas-lakas yung pangalan ko sabay beso. Langya, ganun lang pala yun. Hayy buhay. Lino From:
"ragingbull22315 Para akong nagbabasa ng Tagalog Klasiks, meron pa ba? Ang gagaling ninyong managalog. Hindi ko na kabisado ang karamihang Tagalog slangs, anong "jologs", pre? Nung ako'y tinedyer sa Maynila, ang uso de-baston na lonta (pegged pants)at lowested pa (low-waisted). Ang sigarilyo ay "yosi", ang mother at father ay ermat at erpat. Ang tawag sa amin ng mga taga San Beda, "San Basti". Kung ikaw ay batang Tondo, kahit na nuon din, kinatatakutan ka. Karamihang rambol nuon sa silong ng Laperal Building, next to the University of the East, pagkatapos ng klase. Ang usong weapon yon school belt buckle ba, pagka tinamaan ka ng belt buckle sa mukha, uuwi kang mukha moy may tatak "San Sebastian College", minsan Ateneo o Letran, depende kong sinong kalaban mo. Kung bagyo ka, you're awesome, ganoon pa ba rin? Siga-siga din kami nuon, pero lawa pang sigue-sigue... John Reyes |
© Copyright 2002-2003 ZambalesForum (ZF) discussion group members. All rights reserved. Disclaimers