Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!
for your question please write to all_4christ_99@yahoo.com

QUESTION
 

Minsan po naaalala ko po yong ginamit ninyong talata (Heb. 1:8-9) bilang patutoo na si Cristo raw ay Diyos liban sa Ama na siyang tunay
na Diyos.

Bago ko po iyon sasagutin, muli ko pong ipapakita sa inyo ang minsan nang ipinakita o ipinahayag ni Goody.

Kung ang Panginoong Diyos mismo ang ating tatanungin, mayroon pa kayang ibang Diyos liban sa kanya? Ang sagot ng Ating Panginoong
Diyos ay ganito:

"Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Hari ng Israel, at ng kaniyang Manunubos, na Panginoon ng mga hukbo, Ako ang una, at
ako ang huli; at liban sa akin ay walang Dios." (Isaias 44:6)

Ayon sa Kanya walang ibang Diyos liban sa kanya. Subali't pinagdiinan ninyo na kahit raw ang sabi ng Diyos "Siya lamang ang Diyos at
wala nang iba" ay mayroon pa siyang nakikilala na ibang Diyos at ginamit ninyo ang Heb. 1:8.

Ngayon tanungin pa rin natin Siya kung totoo nga bang mayron pa Siyang nakikilalang ibang Diyos liban sa kanya. Ganito ang sagot niya:

"Kayo'y huwag mangatakot, o magsipangilabot man: hindi ko baga ipinahayag sa inyo nang una, at ipinakilala? at kayo ang
aking mga saksi.  May Dios baga liban sa akin?  oo, walang malaking Bato; ako'y walang nakikilalang iba." (Isaias 44:8)

Dito po maliwanag po ang sagot ng ating Panginoong Dios. Ayon sa kanya walang ibang Dios liban sa kanya at wala siyang nakikilalang
iba.

Ngayon kung akala ninyo mayron pang ibang Diyos na nakikilala ang tunay na Diyos...ay yon po ay hindi tunay na Diyos. Naging diyos na
lamang po siya dahil mali po ang pagkakaunawa ninyo sa mga talatang inyong binabasa.

Ngayon, sabi po ninyo si Cristo raw po ay Diyos din liban sa Ama na siyang tunay na Dios (Mal. 2:10). Kaya,  tatanungin din po natin ang
Panginoong Jesucristo kung tunay po bang siya'y Dios. Ganito rin po ang sagot ng Panginoong Jesuscristo:

"At sinabi niya  sa kanila, Bakit kayo'y nangagugulumihan,? at bakit nangyayari ang pagtatalo sa inyong puso?

"Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagkat ang isang
espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin."(Lucas 24:38-39)

Maliwanag din po ang sabi ng Panginoong Jesucristo na siya'y may laman at mga buto sapagkat ang espiritu raw po ay walang laman at
buto na gaya niya.

Ang tanong sino ho ba itong espiritu? Ayon din po sa ating Panginoong Jesucristo:

"Ang Dios ay Espiritu:..." (Juan 4:24)

Ngayon, kung ang Dios po ay espiritu at si Cristo po ay may laman at buto,  ano nga po ba si Cristo? Siya  po ba ay Dios din?  Siya pa rin
ang pasasagutin natin:

"Datapwat ngayo'y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na taong sa inyo'y nagsaysay nga katotohanan, na aking narinig sa
Dios:..."

Ayon parin po sa kanya Siya po'y tao at ito ang narinig niya sa Dios at ang siya rin po'ng katotohanan. Ngayon, sino po ang paniniwalaan
natin, si Cristo ba at ang Panginoong Diyos? o Ang mali ninyong pagkaunawa sa mga talata sa Biblia?

Alam po natin na marami ang kinikilalang diyos ang mga tao. May dios na rebulto, may dios na araw at kung sinosino at anuanu. Subalit sa
dinamidami po ng diyos na kinikilala ng mga tao sa sanlibutang ito, ayon po sa Panginoong Jesucristo sino nga raw ba ang tunay na Diyos?
Ganito rin po ang sagot niya:

"Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kanyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama,...

"At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid
baga'y si Jesucristo."(Juan 17:1,3)

Ayon po sa kanya ay iisa lamang ang tunay na Dios at ito nga po ay ang Ama. Ang katotohanang po bang ito ay siya ri po bang
sinasamplatayan ng mga Apostol? Sa I Cor. 8:6 ay ganito po ang mababasa natin:

"Ngunit sa ganang atin ay may isang Dios lamang, ang Ama, na buhat sa kanya ang lahat ng bagay at tayo'y sa kanya..."

Ayon po kay apostol na si Pablo "Sa ganang atin ay iisa lang ang Dios, ang Ama." E, bakit sinabi ng Apostol na si Pablo na "sa ganang
atin ay iisa lamang ang Dios"? Itaas lamang po natin:

"Sapagkat bagamat mayroong mga tinatawag na mga dios, maging sa langit o maging sa lupa; gaya nang may maraming dios at
maraming panginoon;"(I Cor. 8:5)

Dahil po,  marami ang kinikilalang mga dios at panginoon ang mga tao, gaya NINYO na kumikilala ng ibang Dios liban sa Ama. At kahit na
halos lahat ng mga tao o relihiyon (lalo na ang Iglesia ng Dios Kay Cristo Jesus ni Soriano) ay kumikilala ng higit sa isang Dios, subalit sa
tunay po na Iglesia ay iisa lamang ang tunay na Dios, ang Ama.

Ang katotohanan po ba'ng ito ay alam kaya ng lahat ng nagrerelihiyong gaya ninyo? Aba! ang sagot ng apostol na si Pablo ay ganito:

"Gayon ma'y wala sa lahat ng mga tao ang kaalamang iyan, ..." (I Cor. 8:7)

Kita ninyo! Lahat ng mga relihiyon ay kumikilala ng higit sa isang Dios. May nagsasabing tatlo ang Dios na naging isa. May nagsasabing
dalawa ang Dios (ang isa ay malaki at ang isa ay maliit) at mayroon ding nagsasabing tatlo ang Dios. Pero ayon sa apostol na si Pablo, "SA
GANANG ATIN (amin lang po hindi kayo kasama) AY IISA LAMANG ANG DIOS, ANG AMA."

Ngayon,  po ibalik natin sa Heb. 1:8. Alam po ba ninyo kung sino ang may sabi na:

"Ang iyong luklukan , Oh Dios, ay magpakailan man: At ang setro ng katuwiran ay siyang setro ng iyong kaharian."  ...?

Totoo kayang ang Dios ang may sabi nito at ang kausap niya ay si Cristo na siyang Anak?

Basahin po ninyo sa Awit 45:6 at ang mga talatang nakapaligid sa kanya. Pag-aaralan ninyo kung talaga bang ang Ama ang nagsasalita nito
at ang kausap niya ay ang kanyang Anak.

Kung sasabihin ninyo, lalo na ng inyong tagapangaral na si Ely Soriano na ang Dios ang nagsasalita nito at kausap niya ang kanyang Anak
na siya nga ay si Cristo.....wag kayong magalit mga kapatid....sapagkat sasabihin kong TOTOO NGANG  MGA BULAG AT MATIGAS
NGA ANG MGA ULO NINYO!

Patawarin po ninyo ako sa aking nabitiwang mga salita kung masakit man, sapagkat talagang masakit ang katotohan kapag ikaw ay
matamaan.

Naway basbasan kayo ng Espiritu Santo sa inyong pag-aaral ng katotohanan.
 

ANSWER
 

Dear Mr Selboy.

                    Kapatid ako ay nagpapasalamat sa iyo at iyong sinagot ang mga katanungan ng mga bisita ng website mo, salamat naman at binigyan mo ng pansin ang kanilang mga katanungan. Kapatid ako ay walang galit sa inyo kahit na kapirangot kungdi ang akin galit ay sa mga maling aral na dala dala mo na galing sa Ministro mo na tinuruan naman ni Manalo. Kapatid dito sa mga sagot mo ay lumalabas na bobo ang ministrong nagtuturo sayo, ayaw ko man sabihin na isa ka doon ngunit isa ka na nga, Patutunayan ko sayo na Mang Mang ang ministro mo.  Una sinasabi mo sa unang dalawang verse mo na ang Dios ama ay walang kinikilalang Dios, ang sabi niya ay walang ibang Dios liban sa akin, dito po kapatid ay sa Old Testament mo nabasa, at sa panahon ito ay hindi pa pinakikilala si Jesus Bilang tagapag ligtas, kaya sinasabi niya na walang ibang Dios liban sa kanya, bagamat ang atin Panginoon Hesu Cristo ay nandoon na.

Kawikaan 8:22

                    Inari ako ng Panginoon sa pasimula ng kanyang lakad, Bago pinasimulan ang kaniyang mga gawa ng una. Akoy nalagay mula noong araw mula ng walang pasimula. Bago nilikha ang lupa. Akoy nailabas ng wala pang mga kalaliman; Nang wala pang mga bukal na sagana ng tubig, Bago ag mga burol ay ako'y nailabas:
 

Dito po sa talatang ito ay ang nag sasalita po ay ang Karunungan, ang karunungan na itoy nailabas na bago pa lalangin ang sanglibutan eh sino po ba itong nailabas na ito?
 

I Corinto 2:7

                Kungdi sinasalita namin ang karunungan ng Dios sa hiwaga, yaong karunungan na itinalaga ng Dios bago nilalang ang mga sanlibutan sa ikaluluwalhati natin: na hindi napagkilala ng sinumang pinuno sa sanglibutan ito: sapagka't kung nakilala sana nila, ay disin di ipinako sa krus ang Panginoon ng kaluwalhatian:

                Dito ay ang karunungan na tinutukoy po dito ay walang iba kungdi ang atin Panginoon Hesu Cristo. Ngayon balik tayo sa sinabi ng Dios na walang ibang Dios liban sa kanya..... Tama yun kapatid dahil ng panahon na sabihin ng Dios Ama yun ay hindi pa niya ipinakikilala ang atin Panginoon Jesu Cristo kaya walang ibang Dios na kilalanin ang mga tao nung una liban sa Dios Ama.

                Sinasabi mo din kapatid na si Jesus ay isang tao (walang bahid ng pagka Dios kahit kapiraso) dahil sa nabasa mo na si Jesus ay may laman at buto at ang Dios Ama ay walang laman at buto kaya sinabi mo na iba ang Ama sa Anak, tama yun kapatid iba ang Ama sa Anak at wala kaming sinabi na iisa ang Ama at anak kaya walang problema kung ang anak ay may laman at buto, bilang katawan tao natural na may laman at buto ka, bakit nakakita kaba naman ng tao na walang laman at buto ? gumamit ka ng kauntin utak kapatid hehehehehehhe utak sa pagbasa ng banal na kasulatan ....... natural laman ng may laman siya at buto pero hindi naman nanganaghulugan na porke may laman at buto ay hindi na sya Dios, at alalahanin mo kapatid kaya siya nagkaroon ng laman at buto ay nakitulad lamang siya sa tao at kapag ginagamit ang salitang NAKITULAD ay hindi talaga siyang gayon ng pasimula, halimbawa ikaw,  ginaya mo o nakitulad ka sa kilos ng ungoy ikaw ba ay ungoy na? ewan kolang sayo kung mukha kang ungoy heheheheheheehehe j/k (biro lang yun ah) pero sabihin man natin na mukha kang ungoy pero dahil sa salitang nakitulad ay hindi ka tunay na ungoy (gets mo?)

Filipos 2:5

                Mangagkaroon kayo sa inyo ng pagiisip, na itoy na kay Cristo Jesus din naman: Na siya, bagamat nasa anyong Dios, hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang PAGKA PANTAY niya sa Dios. Kungdi bagkus hinubad niya ito, at nag anyong alipin, na NAKITULAD sa mga tao:

                Ayon po sa atin nabasa na ang atin Panginoon Hesu Cristo ay hindi talagang tao kungdi ay nakitulad sa tao, na bagamat pantay sila ng Dios ay hindi niya inari kungdi bagkus ay hinubad niya ito (ewan ko lang kung saan niya sinampay)....... kaya kung mabasa mo man kapatid na si Hesus ay mayroon laman eh ang sagot ko sayo dahil si Cristo ay nag anyong tao o nakitulad sa tao (papaano siya makikitulad sa tao kung hindi siya mag lalagay ng laman) esep esep ........
 

                   At kapatid ang sabi mo ay ang mga Dios Diosan ay mga Rebulto o Araw, pero kapatid tuturuan muna kita ng kaunti medyo dadag dagan natin ang kalaman mo sa banal na kasulatan na hindi mo matututunan sa Ministro mo hangang sa araw ng pag huhukom,  hindi mo malalaman ito kung aasa ka lamang sa paulit ulit na Texto ng inyong samahan.. ang paniniwala mo na ang mga Dios Diosan eh ang mga rebulto at mga kung ano anong baturete ng mga ibang mananampalataya . Alam mo ba na hindi mo kailangan na lumuhod sa rebulto para ikaw ay atangan na sumasamba sa dios diosan, atin basahin sa

Colosas 3:5

                Patayin nga ninyo ang inyong mga sankap na katawan nangasa ibabaw ng lupa, pakikiapid, karumihan, masamang pita, masasamang nasa, at kasakiman na  IYA'Y PAGSAMBA  SA MGA DIOS DIOSAN.....

                ayon dito sa nabasa natin talata kung ikaw ay gumagawa ng ganitong mga kasalanan ay sinasabi ng banal na kasulatan na iya'y pag samba sa dios diosan, kaya kapatid ituro mo yan sa ministro mo at siguradong bibilib sayo yun hehehehehe at ingat ka baka katulad siya ng kapit bahay namin Diakono na may kabit (sumasamba sa dios diosan yun ayon sa banal na kasulatan).........

                   at ayon pa dito sa iyong mga kasagutan ay mayroon kang sinabi na ganito {{{{{{Pero ayon sa apostol na si Pablo, "sa ganang atin (Amin lang po hindi kayo kasama) ay iisa lamang ang Dios ang Ama}}}}}} <------------ sabi mo ito

alam mo kapatid na medyo napansin ko makapal pala ang mukha mo hehehehe opssss wag ikaw galit ang magalit pangit kaya alam kong galit kana hehehehe (biro lang po)  kapatid napansin ko na nakiki atin ka, bakit kasama kaba doon? bakit kaisa ka ba ni san Pablo? alamin nga natin kung kaisa ka nga ni San Pablo, basahin natin sa banal na kasulatan.....
 

Tesalonica 1:1

                Si Pablo, at si Silvano, at si Timoteo, sa Iglesia ng mga taga Tesalonica sa Dios Ama at sa Panginoon Jesu Cristo: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaan...
 

                Dito po sa atin nabasa ay maliwanag na si San Pablo ay kaanid sa Iglesia ng Dios at Hindi sa Iglesia ni Cristo ni manalo Bugak hehehehe. papaano mo sasabihin na kaisa ka niya eh magka iba ang Relihiyon ninyo. alam mo kapatid litaw na litaw ang katangahan ng tagapag turo mo dahil alam ko naman na hindi galing sayo yan mga pinag sasabi mo eh kungdi galing yan sa ministro mo kaya nga ang tagal mong sumagot eh kasi nag tanong tanong kapa sa mga mangagawa ninyo (mangagawa ng kataran taduhan)...... alam mo kapatid palagay ko habang pinag tatangol mo ang iyong samahan ay lalo lamang lumalabas ang kabo bohan ninyo sa banal na kasulatan .......

                ngayon bakit sinabi nila na sa ganang atin ay may isang Dios lamang ayos sa mga apostol (hindi ka kasama doon kapal mo naman)....
Ang sabi doon ay sa ganang atin ay may isang dios lamang ANG AMA, na buhat sa kanya ang lahat ng mga bagay... Totoo po ito dahil ang pinaniniwalaan ng mga Kaanid sa Iglesis ng Dios kay Cristo Hesus Haligi at Saligan ng Katotohanan na kina aaniban ni San Pablo ay sa ganang amin din ay may isang Dios lamang ang Ama na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay. Dahil totoo naman na isa lamang ang Dios Ama dahil si Hesus ay hindi siya ang dios Ama kungdi siya ang Dios Anak., at kung tatanungin mo kami kung ilan ang Dios Ama, ang sagot namin ay isa lamang. (isa lang ang Dios Ama na pinag mulan ng lahat ng mga bagay)... mag isip ka kapatid bibigyan kita ng example para maunawaan mo. sa bansang Pilipinas ay maraming presidente, ito ay mga Presidente ng Kumpanya at mga Presidente ng Paaralan at Ospital pero sa ganang amin ay isa lamang ang Presidente ng Pilipinas at ito ay si President Erap (oi si Osmeña ang binoto ko ah si Promdi).. yun bang mga presidente ng mga ibat ibang sector ay hindi na totoo? totoo yun pero kung ang pag uusapan ay Presidente ng Pilipinas ay iisa lang yun.... kaya sa amin ay maraming Dios pero ang Dios Ama na lumikha ng langit at lupa ay iisa lang yun na gaya ng paniniwala ng mga Apostol nung una....

                bibigyan kita ng isipin kapatid
 

Juan 10:32-35

                Sinagot sila ni Hesus maraming mabubuting gawa na mula sa Ama ang ipinakita ko sa inyo; alin sa mga gawang yaong ang ibinabato ninyo sa akin? Snagot siya ng mga Judio, hindi dahil sa mabubuting gawa ay binabato ka namin, kundi sa pamumusong; at sapagka't ikaw, BAGAMAN IKAW AY TAO, ay nagkukunwari kang Dios. (kapatid ninyo sa pananampalataya ang mga Judio)
                Sinagot sila ni Jesus, hindi baga nasusulat sa inyong kautusan, Aking sinabi, kayo'y mga dios? Kung tinatawag niyang mga dios, yaong mga dinat nan ng salita ng Dios (at hindi mangyayaring sirain ang kautusan)
 

                Dito sa talatang ito na ang Judio ay galit na galit sa atin Panginoon Hesus Cristo, Dahil ang kanilang pananam palataya ay Tao din ang Panginoon tulad na paniniwala ng mga INC kaya kapatid nila ito sa pananampalataya hindi si San Pablo.

            Ang sabi ni Jesus ay  hindi baga nasusulat sa inyong kautusan, Aking sinabi, kayo'y mga dios? Kung tinatawag niyang mga dios, yaong mga dinatnan ng salita ng Dios..... dito ay maliwanag ang sagot ng atin Panginoon na  kung ikaw ay dinatnan ng tunay (hindi peke) na salita ng Dios ay tinatawag ka ng atin panginoon na dios. Malas lang ninyo mga INC at hindi kayo dinatnan ng tunay na salita ng dios kaya hindi ninyo matangap na maraming dios...... tanong meron bang katunayan na mayroon ngang ginawang dios ang Dios?

Exodo 7:1

                At sinabi ng panginoon kay Moises, Tignan mo, ginawa kitang dios kay Faraon: at si Aaron na iyong kapatid ay iyong magiging Propeta.

Dito po ay maliwanag na si Moises ay ginawang dios ng Dios Ama. Kung ito ay hindi tunay na dios ay lumalabas na fake din ang dios na gumawa sa kanya. At ang gumawang dios kay Moises ay walang iba kungdi ang Dios Ama mismo kaya huwag ninyong sabihin hindi tunay si Moises..... eh ang palusot naman ninyo eh ito....(((ginawa nga siyang dios kaso kay Faraon lang))) kahit na ginawa siyang dios kay Faraon eh dios pa din sya kaya walang pag tatalo kahit na ginawa siyang dios ng mga langam, basta dios sya ayon sa biblia .........mag isip isip ka kapatid dahil kung pag titiyagaan mo ang turo ng mga ministro mo eh walang mangyayari sayo puro mga bolagas at pandarambong ang alam niyan mga yan......

            Kapatid meron kapang binigay na Verse ukol doon sa Hebreo 1:8 na ang sabi mo ay hindi ang Dios Ama ang nagsalita doon... at nagbigay kapa ng Verse ukol doon, ang masasabi ko sayo eh bugak ka na ngang talaga dahil ang tinutukoy doon sa Awit 45:6 ay iba kaysa sa tinutukoy doon sa Hebreo 1:8 tangangot hehehehe tuturuan kita para pag nakita mo ang ministro mo eh batukan mo dahil puro kabal balan ang tinuturo sayo......

            Hindi porke magka hawig ang salita doon ay iisa ang nagsalita nun halimbawa ang naka sulat sa Isaias 56:11 ay ganito. OO ang mga ASO ay matatakaw at kailan man ay walang kabusugan at itoy mga ministro ng INC este mga pastor pala... hindi porke sinabi ko ito ay ako narin ang nagsalita sa Isaias 56:11.

            Hindi ganoon ang pag bibigay ng interpretasyon ng biblia kapatid, basahin mo ule ang Hebreo 1:8 at umpisahan mo sa verse 5 na ganito ang sinasabi ... Sapagkat kanino sa mga anghel sinabi niya kailan man, ikaw ay aking Anak.... dito ay maliwanag na ang nag sasalita dito ay ang Dios Ama at doon naman sa binigay mong talata ay hindi Dios Ama ang nag sasalita doon. Magkahawig lang ang pagkaka sabi (tsk tsk tsk ang bo bobo ninyo, nahahalata na kayo uy)

ngayon kapatid sa iyong mga kasagutan ay lumalabas na kayo ang bulag at hindi lang basta bulag, tanga pa kasi pinag iisa ninyo ang salita ng hindi naman iisa ang nag sasalita magka iba yun ..... At kung totoo ang inyong samahan tama, ay tama na ang kurakot ninyo ng Kwarta sa miyembro, mayaman na kayo (sa kaka kurakot sa members) Ang tigas ng Bungo mo Eraño matutusta ka sa Impiyerno niyan.. Biro mo kinurakot na ang pera mo tapos dadalhin kapa sa dagat dagatan apoy, mahiya ka naman. At kung totoo na ikaw ay Sugo (sugo ng impiyerno) ay lumaban ka ng Debate Kay Bro. Eli tama na ang palusot BAKLAAAAAAA  ......
Baka sa akin lang eh hindi kana Manalo dapat ang last name mo eh Matalo hehehehehe dahil kung ang ilalaban mo lang sa akin eh itong member mong si Selboy eh wala sa hinliliit ko na daliri ito Gamay lang tio hehehe..... Bro wala akong galit sa iyo pero galit ako sa mga Demonyo.....

mapag_mahal


-----click here to see next questions-------

BACK TO MAIN PAGE



 


for your question please write to all_4christ_99@yahoo.com