|
PANULAT |
Benigno R. Ramos |
|
American
Period |
|
|
Kung ikaw, Panulat, ay di magagamit
kundi sa paghamak sa Bayang may hapis,
manong mabakli ka't ang taglay mong tulis
ay bulagin ako't sugatan sa dibdib.
Kung dahil sa iyo'y aking tutulungan
ang nagsisilat sa dangal ng Bayan,
manong mawala ka sa kinalalagyan,
at nang di na kita magawang pamaslang! . .
Di ko kailangang ang ikaw'y gamitin
kung sa iyong katas ang Baya'y daraing,
ibig ko pang ikaw'y trupuki't tadtarin
kaysa maging sangkap sa gawaing taksil…
Di ko kailangang ikaw ay magsalabog
ng bango sa landas ngmasamang-loob
ibig kopang ikaw'y magkadurug-durog
kaysa magamit kong sa Baya'y panlubog.
Kailangan kita sa gitna ng digma,
hayo't ibangon mo ang lahat ng dukha!
hayo't ibagsak mo ang mga masiba! |
|
|
|
|
To
print or copy, highlight the selection and
right-click using your mouse. |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
Everyone is
free to copy and print from this site provided
that the original works of the Filipino authors
remain unharmed... |
|