|
MGA AGAM-AGAM |
Benigno R. Ramos |
|
American
Period |
|
|
Handog sa Kaarawan ng Paggawa
I
Ang taong kumita sa tulo ng pawis,
sa mga paggawa at banat ng bisig
ay taong marapat sa mga pag-ibig
at sa pagkilala ng bawa't may isip.
II
Ang mga mahirap ang pinanggalingan
ng salaping hari ng nangabubuhay,
sa kanilang palad ito namuhatan
at sa mahihirap na taglay na dusa.
III
Ang bawa't may pilak ay nagmula muna
sa buhay-hikahos ngayong nakikita.
Humigit-kumulang ay nangagtamasa
ng sa mahihirap na taglay na dusa.
IV
Ang bawa't hangingnging ng mga pagbulyaw
sa mga mahihirap ay isa rin namang
hukay na sa ganid na paglilibinga't
sasaksi sa kanyang wakas na mapanglaw.
V
Ang palad ay walang palagiang banig
ni isang uupang sukat na makamit.
Pagkagiring pula! Siya'y nagtitindig
ng api't mamatay sa mga malupit.
VI
Hindi nasisilip agad ang ligaya
kung hindi magwagi sa pakikibaka.
Ang mga mahirap na nanandata
kung api ma'y busog sa mga pag-asa.
VII
Tubig na malinis ang nakakatulad
ng pusong bayani ng isang mahirap,
kahit tampisan ng paang may burak
ay hindi malabo: di mapapaglusak.
VIII
Ang pigil ng sama'y nasa dakong huli
at kung sa ngayon ma'y laging nagwawagi
asahan at bukas nama'y mga api
ang magtatagumpay at hindi ang imbi.
|
|
|
|
|
To
print or copy, highlight the selection and
right-click using your mouse. |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
Everyone is
free to copy and print from this site provided
that the original works of the Filipino authors
remain unharmed... |
|