Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!



Ang pangalan daw nito ay hango sa halamang nilad na tumubo noon sa Ilog Pasig. Ang mga Maly raw ang nagbigay ng pangalang ito.

Si Raha Soliman ang pinuno ng kaharian ng matandang maynila. Sa bahaging timog ng Ilog Pasig  nakatirik ang kaharian niya. Ang buong paligid ng kaharian ay may kutang kahoy. Doon sa loob nagbabantay ang mga mandirigma. Sa labas naman naninirahan ang mga mamamayan.

Dumating ang mga kastila sa pangunguna ni Martin de Goiti. Pinagbabayad nya ng buwis si Soliman. Nagalit ang Raha. Nagkaroon ng labanan. Nagwagi ang mga kastila. Itinatag ni Martin de Goiti noong Hunyo 24, 1521 ang Maynilad bilang punong –lungsod. Pinalitan niya ito ng pangalang Maynila. Ito ang dahilan kung bakit ang ika-24 ng Hunyo ay pinagdiriwang na Araw ng Maynila.