Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!

MAIKLING KASAYSAYAN:


    Ang Barangay Bagong Nayon Library ay itinatag noong ika-10 ng Enero 1995 sa pamamagitan ng Kapasyahan Blg. 022-1994 nangunguna ni Punong Barangay Elizabeth S. Agtarap at ng buong Sangguniang Barangay.

    Ang layunin ng proyektong ito ay upang matulungan ang mga mag-aaral sa Bagong Nayon at karatig pook na magkaroon ng kaalaman at gabay sila sa kanilang mga gawain sa paaralan.

    Ito rin ay simbolo ng pagtutulungan ng mga mamamayan sa barangay dahil sila ay nangalap at nag-ambag ng mga libro ng kanilang mga anak na nagsipagtapos para magkaroon ng sapat na mga aklat sa library.

    Ang silid na ito ay ginagamit ng mga mag-aaral ng Baliuag North at South Central School sa kanilang pangangailangan ganoon din ang mga mag-aaral sa Mariano Ponce Highschool at sa mga pribadong paaralan.

    Naging tampok ang gawaing ito dahil karamihan sa mga mag-aaral sa barangay ay galing sa mahihirap na pamilya at walang perang pambili ng mga aklat.



Ang mga taong tumulong upang maitatag ang aklatang ito ay sina:


          1. Former Gov. Roberto M. Pagdanganan
          2. Gov. Josefina M. Dela Cruz
          3. Cong. Pedro Pancho
          4. Former Coun. Dionisio O. Agtarap
          5. G. Perfecto Gamboa
          6. UST College of Engineering
          7. Mr. & Mrs. Rene De Belen
          8. Asia Foundation
          9. Soroptimist International of Baliuag
          10. Mr. & Mrs. Martin Guantes
          11. Mrs. Emily Inductivo
          12. Department of Agriculture
          13. Department of Health
          14. Mrs. Raquel Navoa
          15. Engr. Vicente R. Cruz M.S.
          16. Mr. Vic Hipolito
          17. Mayor & Mrs. Rolando F. Salvador
          18. ZONTA Club of Baliuag
          19. Mr. & Mrs. Bobbet Navoa
          20. Balibuntal Foundation Inc.
          21. ASKME Foundation Phil.
          22. Resurrecion Gaspar



    CLRC Makalipas ang limang taong pagsisikap at pangangasiwa ni Kap. Elizabeth S. Agtarap, katulong ang Sangguniang Barangay Bagong Nayon, Pamahalaang Bayan ng Baliuag at Kagawaran ng Edukasyon ng Hilagang Baliuag, ang Aklatan ng barangay ay umunlad at maging Community Learning and Resource Center (CLRC). Ang Bagong Nayon ay nagwagi ng Pangalawang Pwesto bilang "Most Functional Community Learning Resource Center" sa buong lalawigan ng Bulacan noong taong 2001. Ito ang nagbigay daan upang magwagi bilang "Most Functual Community Learning Resource Center" s buong Rehiyon III noong taong 2003.


    CLRC Dahil sa natamong tagumpay; ito ay nagbigay karangalan hindi lamang sa pamayanan ng Bagong Nayon at Bayan ng Baliuag, kundi natamo ang karangalan bilang handog sa pagsulong sa pagsulong ng lalawigan ng Bulacan.


    CLRC Ang pananatili nito ay hinahangad pa upang mapabilang sa pagsulong hindi lamang ng Bulacan kundi ng buong bansang Pilipinas sa kapakanan ng nakararaming mamamayan.


    [Back]