Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!

KASARIANG HUBAD


Ang artikulong ito ang syang nagbigay pangalan sa akin nung ako ay nasa "high school" at "college", kahit hindi ko ito tuluyang naisulat sa school newspaper namin ay nakilala pa din ako. Hindi man ako nabigyan ng pagkakataon na maisulat ko ito ay malaki naman nag pasasalamat ko dahil marami ang lumapit at nagtanong "counsel" tungkol sa isyung ito.

Ilan sa mga ito ay handang makinig at mabuksan ang kanilang isipan tungkol sa kiatlong kasarian na sa panahon na tin ngayon ay hindi pa tuluyang natatanggap ng lipunan at tampulan parin ng mga kritisismo. Sila yung mga taong nakinig at nagbasa ng artikolo ko na mayroon silang pagrespeto sa mag BAKLA at TOMBOY, silan yung mag nauunawaan yung kalagayan ng mga BAKLA at TOMBOY, sila yung handang makinig sa panig ng mga kinukutyang mga BAKLA at TOMBOY na dapat namang bigyang respeto at panatay na pagtrato.

Ang inspirasyon ko sa pagsusulat ng mga artkulo ay isang manunulat ng libro at mga script na pangtelebisyon at pampelikula si RENE "reny" O. VILLANUEVA.Siya lang yung kaisa isa kong iddolo sa larangan ng pagsusulat dahil sa kakaiba nyang mga paksa at kwento na tulad ng aknyang librong "personal". Ito lamang yung librong binasa ko habang kumakain, nakahiga at halos oras oras ko itong binasa. Noong unay tinatamad aking basahin ito dahil walang patutunguhan ang mga kwento dahil patungkol lamang ito sa kanyang personal na buhay. Pero noong natapos ko na itong basahin napagalaman ko na punong puno ito ng mga aral, at napakamakabuluhan ng mga bawat pantig na aking nabasa. May mga pagkakataon pa nga na punaiyak ako ng mga nabasa ko.

Dito papasok ang puso ng aking artikulo. Tungkol ito sa buhay, karanasan at jung anu-anong bagay sa buhay ng mga taong kabilang sa ikatlong kasarian, at kung papaano nila niyakap nag ganitong uri ng pamumuhay. Paano nila tinanggap at isinabuhay ang isang lalaki na nagpapakababae.

Ang pagiging bakla ay nahahati sa tatlong klasipikasyon ang "metrosexua/bisexual" "gay" at "transgender". Ang laman ng utak nating mga pinoy kapag naririnig natin ang salitang bading isa agad nag nasa isip natin "ito yung mga lalaking nagbibihis at nag aayos nagpipilit magpakababae", at karamihan sa atin kapag isa kang "bisexual" ikaw ay bakla na. Dito lamang umiikot ang kaalaman na ilan sa atinpagdating sa ikatlong kasarian.

Ang "metrosexual" sila yung mga lalaking napakabanidoso sa katawan halos lahat ng ginagawa ng mga babae sa katawan ay nakuha nila. "Bisexual" sa salitang kalye ay "silahis" sila naman mga lalaking medyo mahinhin ang kilos pero nakadamit panglalaki padin. Karamihan sa mga ito ay talented mgaling kumanta, magsayaw at kung anu-ano pa. Pagdating naman sa pakikipagtalik, nakikipagtakik sila sa babae at sa lalale, samanta ang "metrosexual" ay sa babae lamang.

Ang "gay" o bakla nag pinaka tampulan nga tawanan at kritisismo ng mga tambay kapag nagdadaran sila. Dhil sila yung mga lalaking mapupula nag mga nguso, mauumbok ang mga dibdib, na kung minsan ang laman ay piraso ng tela, at kung minsan naman ay "condom na may laman na tubig", maiigsi ang short at kung minsan ay bihis babae talaga. Sila yung mga naloloko sa pagmamahal sa mga lalaki na malabong mahalin din sila ng tunay. Sila yung kakatuwa ang mga kilos at makakarinig ka ng mga kakaibang lingwahe na kung tawagin ay "gay lingo".

Ang "Transgender" sila yung tipo ng mga bakla na masasabi mong babaeng babae na talaga. Sila yung mga nagpaopera nagpalagay ng tunay na suso, nagpaputi ng balat, nagpatangos ng ilong, nagpalaki ng balakang at nag paoutol ng ari. Sila yung mga madaming pera para tuluyang maging isang babae.

Bakit nga ba nagiging bakla ang isang lalaki? ano nga ba ang mga dahilan ng kanilang paglalaladlad ngmga pakapak?

Sa panahon natin ngayon higit lalo sa ating ginagalawang lipunan hindi pa tuluyang katanggap tanggap ang mag taong nabibilang sa ikatlong kasarian. Tampulan padin sila ng tawanan at kritisismo at kung anu-ano pang kakatwang mga salita na maaring iugnay sa kanila. Mga "halimaw" "boteteng laot" dahil mga baklang malalaki ang maga tiyan dahil laging laman nag inuman.

Nagiging bakla o silahis ang isang lalaki dahil sa tatlong mabibigat na kadahilanan.

UNA

Atmosphere o naiimpluwensyahan ng mga taong nakapaligid sa kanila. Minsan simula pagkabata nang isang lalaki dito nagsisimula ito, kapag nakita ng mga tao na nakapaligid sa kanya na medyo mlamya nag kils ng isang batang lalaki agad nila a=tiong tinutuksong "bakla bakla" sa murang isipan ng bata naiiwan ang mga salitang ito. May nga pagkakataon din na naiimpluwensyahan din ang mga ito ng kanilang kaiskwela at mas malakas ang hatak nga mga ito dahil mas maraming oras ang ginugugol nila sa eskwelahan.

PANGALAWA

FAMILY sa pamilya kaya ngakakaroon ng mga pagkakataon sa mismo sa loob ng pamilya nagsisismula. May mga pagkakataon na kapag ang isang lalaki na hindi nya nakilala nag kanyang mga magulang higit lalo ang kanyang ama. Naghahanap ito ng apeksyon at pagmamahal na hindi nya nakita o nahanap at naramdaman sa loob ng kanyang tahanan. Kapag sa stage na ito at hindi nya talaga mahanap ang apeksyon at pagmamahal sa loob ng pamilya gagawa siya at hahanap ng paraan para lamang mapuno yung kakulangan na nararamdaman nya, kapag hindi nya nakilala o naramdaman ang pagm,amahal ng isang ama hahanap sya ng outlet sa labas na maaaring magpuno sa kulang na kanyang nararamdaman sa di pagkialala sa ama "father image" Dito nay maibabaling angpagmamahal na dapat ay sa pamilya na maibigay. Sa stage na ito kapag nahanap nya na at pkiramdam nya na napunan na yung kulang sa kanya at nakakaramdam sya ng importansya sa labas. Lalong sisidhi yung kanyang pagnanasa at sa tulong o impluwensya na kapwa nya lalong lalawak ang kanyang pagiging "curiosity" at dito na nya matutuklasan ang mga bagay bagay sa pagiging "gay" o "bisexual".