Mahal
na lupa,
tanggaping
mo ang iyong mga sawimpalad na anal,
kaawaan
mo sila.
Sa
kanilang sariling pamamaraan, kahit hinamak,
tinangka
nilang liwanagan
ang
sulok ng utak ng tao
upang
doo’y umusbong ang patibong ng kapayapaan.
Huwag
mong higpitan ang yakap sa kanilang buto.
Ito
si Nelson Mandela.
Buhat
sa piitan, gayong walang mandala,
lumipad
ang kanyang mukhaay naging bandila
ng
lantay na kaitiman sa Timog Afrika,
na
ang ibig sabihinay hindi dugo ang
tutubos
sa
kahirapan kundipag-ibig na puspos,
ha!ha!,
kaya’t ang asya at Latin Amerika ay natakpan
ng
alkitran- nagkulay abo pati ang buwan.
At
nagising ang puting buwitre
sa
sanlaksang tahimik na sigaw –
“Itim
ay marangal!Itim ay marangal!” –
hanggang
pumutok ang gallit, nahaluan ng salitre,
at
ang siksik na kaitiman, na binasag lamang
ng
kumikinang
na
ngipin sa araw, pagkatapos tila ba ng
isang
libong taon
(ganoon
kasidhi ang pagkamuhi ng Puti)
ang
nagbuwag sa piitan. Nagmartsa lang sila
buhat
sa gubat hanggang impiyerno,
subalit
ito ang nagpalaya kay Mandela
na
walang mandala, walang madala
sa
galak ng hangin at tomtom ng bundok
kundi
ang kanyang pumutingbuhok,
ha!
ha!, at sumasayaw na binti. Ang kalayaan
ang
kanyang kasawian. Agad siyang nabusog
sa
pangako ng puti at pangarap ng Itim,
narahuyo
ang kanyang tula sa tula ng panimdim,
sa
paniwalang ang lahat ng tao ay nilikhang pantay-pantay,
at
ang kalawakan ay walang-hanggang pook
ng
paghinga
O
pagkain, Laking pagkakamali niya!Ang
mga patay
lamang
ang mga karapatan dahil siya’y di mapanaganib.
Isang
gabing pusilit ang dilim- mahihiwa mo itong
tila
kalamay-
ang
malalamig at matatalas na galamay
ng
buwitre ay kumayod sa litid
ni
Mandela , nilabnot ang kanyang bitukaat
atay
sa
saliw ng bulwak ng tumututol na dugo,
at
isinabit siyang patiwarik
sas
sanga ng punong goma. Itinitik
ng
mga tiktik ng naghaharing lahi ang babala
sa
kanyang noo:“Huwag tularan ako.”
Lupa,
alagaan mo ang kanyang buto.
Sa
isang bansang walang Diyos, nililok niya ang santo
ng
perestroika, ang pinsan ng demokrasya,
na
unti-unting nagbasbas sa kalapati
ng
katarungan na noo’y naghihingalo sa hawla.
Lupa,
siya si Mikhail Gorbachev –
himas-himasin
mo ang kanyang kalansay.
nawalan
ba ng ningning at saysay
ang
pinagsikapan ng kanyang makulay na buhay
sa
yelo at semento ng kremlin?
Di
ba tinapyas niya ang rebulto ni Lenin
na
sumasakal sa gulay at pera?
Ay,
Gorbachev ng liping doble-kara,
hanggang
ngayon ay di naman matanto
kung
sino ang tunay mong ina –
ang
kadenang bakal sa Siberia
o
ang mababait na salit sa Moscow.
Sapagkat
ikaw ay supling ng poot at pag-asa,
nalansi
mo ang Simbahan at Palengke
hanggang
yakapin gn Isda ang Karit sabay bulalas,
“Kapatid
ko!”Mabuting kaguluhan, ang pagtatamo
ng
tinig ng isang bansang lugmok at gahol
sa
demokrasya,
bundat
ang tiyan sa hangin ng pangako na tila botete,
ngunit
laging gutom sa kanin ng kasarinlan.Magilas
si
Gorbachev, Lupa, sa pagtahak sa amtinik na landas
ng
Poland at Lithuania, Latvia at Czechoslovakia,
kahit
na tigib ng panganib ang kanyang kagila-gilalas
na
ahkbang.Parang tikbalang o mangkukulam,
sabi
ng kanyang mga kaaway habang lumalasap
ng
kabyar; parang walang kamatayan, ismid
ng
militar, at hinasa nila ang kanilang pangungusap,
binahiran
ito ng lason, saka ipinukol sa kanyang
kabutihan!
Ano’ng
inisip niya nang mapatid
ang
dugo sa kanyang ugat?Gumuho ang
dingding
sa
Berlin,
gnunit
kumapal ang sa Kremlin, tumaas ang presyo
ng
bilihin
na
tila ba buhat sa langit nanggagaling ang karne, itlog
at
mantika.
Ay.
Gorbachev na may balat sa ulo! Gorbachev na tinig
manyika!
Inisip
niya nang umikot ang kanyang paningin:
“Nagbawas
ako ng armas, umawit ng himig ng pag-ibig,
nakipagkamay
na parang luku-luko sa mga luku-lukong
komunista
na
naghahangad sirain ang daigdig –
at
ano ang katuturan?Pinulaan ng mga
Kano, sinabing
nagkukunwar
lamang; minura ng Pulang Europa
nang
hawiin ko ang tabing
ng
hinagpis at paninikil; iniwang nag-iisa sa madawag
na
gubat
ng
kapangyarihan.”Sa pagbasa ng mga
dokumento,
sa
pagbuhat
ng
mabigat na kasalanan ng Inang Rusya,
tumigil
na tila ten ang makina
ng
kanyang pagsisikap, sumikip ang mga pasilyo
sa
kanyang puso na di maunawaan sa Pulang Kongreso.
“Niyakap
nila ako,” sabi niya, “subalit may punyal
sa
pagitan ng aming dibdib.ako lang
ang nagdugo;
salapi
ang dumaloy sa kanilang kamisadentro.”
Malinaw
parang kristal na kumintal
sa
komunistang langit ang kalatas:
“Perestroika
– kalokohan!
Demokrasya
– kaning-baboy!”
Kaya’t
ang salita ni Gorbachev ay nautas,
hininga
niya’y mabilis na napudpod.
Lupa,
palaguin mo ang rosasa sa kanyang puntod.
Ito
si Papa Juan Pablo Ikalawa, na tumataghoy
sa
lamig at dilim sapagkat lalong tumatalim
sa
kanyang puso ang panimdim.
Ilang
taon niyang iwinagayway ang Isda at Krus
sa
mga kuwarto
ng
Vatican, pinausukan ng tawas ang mababhong
sulok
ng
Kristiyanismo upang bumango
ang
utak na bulok
at
umagos sa kamunduhan ang mga utos ni Kristo.
Hinalikan
niya ang alikabok
sa
Pilipinas at Mexico, binindisyunan
ang
mga mahihirap
sa
Peru, ang mga api sa Fransya at Amerika,
ang
mga estibidor sa Poland, nilasap
ang
pait ng pag-iisa sa karangyaan, nag-ayunong tila
ermitanyo
– lahat ay naglahong bula
sa
magkaanib na pagsalakay ng kasakiman
at
Demonyo.
subalit
sa totoo, kahirapan ang gumapi
sa
kanyang setro,
ang
pumunit sa lumang damit na bumabalot
sa
kanyang kapangyarihang pang-budhi, kaya’t
sa
sigalot
ng
Simbahan at Palengke, sa away ng bit7uka
at
kaluluwa, nanaig ang karne at pitaka.
Walang
bumili ng Langit na kanyang inilalako
upang
matubos ang Diyos na nakapako.
Kapag
siya’y nagdasal upang karahasan ay matanggal,
ang
mga tao’y pumapatay upang makabili ng almusal’
kapag
itinatangis niya ang pagtitinda ng laman at opyo,
lalong
dumarami ang gahaman sa kasarian at tagatulak
ng
bisyo’
kapag
namagitan siya sa mga bansang naglalamas,
sumisiklab
ang digmaan, nanganganak ang mga armas!
Laging
masama ang kanyang kabutihan!
Kung
talagang mahirap
ang
maging mahirap, sawi na siya bago pa man
lumuklok
sa
trono ni San Pedro sapagkat ang masaklap
na
larawan ng milyun-milyong bibig na nagdarahop
sa
India, Tsina at Tibet ay gumambala sa kanyang tulog
ghanggang
parang multo na inubos niya nag gabi
sa
paglalakad nang pabalik-balik sa mga pasilyo
ng
kanyang palasyo,
kinakausap
ang katahimikan sa tabi-tabi,
at
paulit-ulit na inuusal, “Bakit di ninyo ako pakinggan?”
Isang
gabing kabilugan ang buwan
(laging
may romansa ang buhay ng isang Papa),
siya’y
namataang pumupuslit sa pintuan patungo
sa
Basilika,
maingat
na lumalakad tila alimasag,
at
doon, sa likod ng isang higanting haligi,
malamig
na marmol, ay nakipagbulungan
sa
isang di-kilalang lalaki.ano ang
aligi
ng
kanilang pag-uusap?Bago nabasag
ang liwanag,
sabay
silang
naglaho sa ulap ng bukang-liwayway.
Kinabukasan,
natagpuan siyang naghihingalo
sa
kanyang silid;
gumagalaw
ang kanyang labi ngunit
di
siya maintindihan ng kknayang kalihim
dahil
walang tunog na lumalabas asa kanyang lalamunana.
Pangalan
ba ng kausap sa dilim
ang
kanyang ibig ipahiwatig?sa ilalim
ng kanyang unan
ay
may nakuha raw na dalawang hibla ng buhok
na
di kanya.Nang puso niya’y di natumitibok,
at
kalat na sa mundo ang kanyang pagpanaw,
inihandog
sa alabok
ang
kanyanng katawan.Ikaw, Lupa, ang
tumanggap
sa
luha
na
parang di-masawatang baha
sa
araw ng kanyang libing, ngunit batid kong ninais
mo
rin,
habang
siya’y iyong niyayapos, na matalos nag susi
sa
misteryo ng kanyang kamatayan.
Sampung
araw mundo’y nagdilim,
sumiklab
ang digmaan sa pagitan ng mga lipi
ni
Adan, naubos ang tanim sa bukid at tubig sa dagat,
ngunit
di pa rin nakita ang susi, di na gumaling ang sugat
ng
Kristiyanismo.Ay, sawing Juan Pablo,
sino
iyong kinausap mo?Si Kristo, sabi
ng ilan;
ang
Demonyo,
sabi
ng iba.Lupa, ibinunyag ba niya sa
iyo?
Lupa,
itago mo ang kanyang sikreto.
Ito
si Cirilo F. Bautista, naunsyaming makata
ng
Pilipinas.
Sa
isang pambihirang epiko na pinuri hanggang langit
(ha!),
hinabi
niya
ang kasaysayan ng kaluluwang Pilipino upang
masuri
kung
bakit di ito umuunlad.Sa malikhaing
saknong
na
wagas
at
tugma, iginuhit niya ang masalimuot na buhay
ng
isang bansang mayaman ngunit naghihirap,
matapang
ngunit
naaapi, dakila ngunit sanay
na
dustain ng mga banyaga!Tungkol
sa kanyang
sining,
sinabi ni Nick Joaquin, “Ang mga kathang ito
ay
nagbabadya ng isang pamamaraang nababago
sa
tulang Pilipino – ang mahabang linya,
ang
mabunying musika,
ang
tago at tahimik na rima”; ni Ricaredo Demetillo
“Ang
layunin ni Bautista ay ang kabalintunaan,
ang
kanyang kasangkapan ay dunong”;
ni
Jose Garcia Villa,
“Ang
saluduhan ka ay karangalan ko.”Kahusayan,
karangalan
– bah! – anong naging gamit nito para
sa
kanya?
Pagkatapos
ng anim na aklat ng tula na pinuri
hanggang
langit
(ha!),
isang kahig isang tuka pa rin siya, isang gulanit
na
multo na pasilip-silip sa mamahaling restawran,
hungkag
ang bituka at hilo ang isipan,
upang
gumapang pauwi sa barung-barong
at
doon palipasin
ang
pait ng kadiliman.Ay, Cirilo ng
Balic-Balic!
Sampay-bakod
ng panitikiang di pinapansin!
Lupa,
sabihin mo sa akin – di ba hitik na hitik
Sa
parabola ang kanyang mga buto?Di
ba kanyang
ginalugad
Ang
ugat ng pagka-Pilipino upang doon basahin
ang
palad
ng
bukas?Tinangka niyang burahin ang
kulapol
sa
dangal-Malaya nang ang putul-putol
na
kamalayan sa Asya niya ang pighati ng Vietnam,
ang
taghoy
sa
Beijing, ang dugo sa Bangladesh, ang giyera
sa
Maynila,
ang
alaht nang yumuyurak o umaalila
sa
taong kasarinlan.Isinulat niya ito
sa pawis –
kuwento,
tula, kritisismo, sanaysay, talumpati –
binigyang
bagwis
at
pinalipad tungo sa sambayanang puso,
subalit
inabanga
ng
mga palalo, pinaulanan ng sibat, at nang bumagsak,
tinapakan
hanggang
magkaluray-luray.Ay!Ang
nais niyang
sagipin
ang
tumambang sa kanya sa paniwalang ang kanilang
pagkaalipin
ay
di maigugupo ng guniguni at testo.
Hindi
nila talos ang lakas sa panitikan, an may gobyerno
sa
mga salita at sa pagitan ng mga salita,
na
ang katha ay nakapagpapalay,
hindi
ang kudeta, tsekpoynt o buwis sa alak
at
sigarilyo, o ang isang pmamahalaang mahaba
ang
saya.
Sa
dusa at pagkabigo, ilang ulit suyang tumulak
sa
ibang bansa upang makalimot, ngunit hanggang
doon
ay
sinundan siya ng mga anino ng kanyang sining—
narinig
niya ang ungol ng gutom sa London,
sa
kanyang hotel sa Tokyo, sa makintab na dingding,
ay
sumabog and bomba ng mga rebelde bg Mindanao,
malakas
binasag
ang bintana ng kanyang hinagap hanggang
palabas
na
pumailanlang ang kanyang puso, sugatan,
pumipiglas
laban
sa gayuma ng salapi at mapayapang tanawin.
Ay,
Pilipinas ng walang katapusang hikahos!
Pilipinas
ng mga pangakong di natubos!
Habang
siya’y lumilipad lampas dagat lampas bundok,
asin
ang
bumalot sa kanyang sugat, nagpahapdi
sa
kanyang pangatap na sagipin
ang
bayan, kaya’t nagmadali
ang
kanyang utak, lumikha ng isang huling tula
sa
langit bago sumirok sa bughaw na tubig at nawala.
Sinasabing
pagkaraan ng ilang araw ay nakitang
palutang-lutang
ang
kanyang katawan
sa
Karagatang Pasipiko
samantalang
kumikislap sa ulap ang pumipintig
na
laman
ng
kanyang huling diskurso.
Ngunit
walang nagpahalaga sa mga ito.
Lupa,
bigyan mo ng init ang kanyang buto.
(1991)