Si Fernando Amorsolo ay isang “Philippine Lightscapist” at ang kauna-unahang
pambansang pintor ng ating bansa. Marami syang natanggap na mga parangal
hindi lamang sa Pilipinas kundi sa bansa ng Amerika rin. Nanalo sya
ng unang parangal sa “New York World Fair” sa likod ng napakaraming boto
para sa kanya. Kalimitan niyang ginagamit ang larawan ng pamilya at probinsya
bilang setting sa kanyang mga obra.