Kisapmata
By: Rivermaya

Nitong umaga lang pagkalambing-lambing
Ng iyong mga matang hayop kung tumingin
Nitong umaga lang pagkagaling-galing
Ng iyong sumpang walang aawat sa atin

Chorus:
Oh kay bilis naman maglaho
Ng pag-ibig mo sinta
Daig mo pa ang isang kisapmata
Kanina ay nariyan lang
Oh ba't bigla nalang nawala
Daig mo pa ang isang kisapmata

Kani-kanina lang pagkaganda-ganda
Ng pagkasabi mo na sana'y tayo nalang
Kani-kanina lang pagkasaya-saya
Ng buhay kong bigla na lamang nag-iba

Repeat Chorus

Nitong umaga lang pagkalambing-lambing
Nitong umaga lang pagkagaling-galing
Kani-kanina lang pagkaganda-ganda
Kani-kanina lang pagkasaya-saya

Repeat Chorus