Buloy
By: Parokya ni Edgar
Hoy! Hoy! Buloy
Naaalala mo pa ba
Nu'ng tayo'y nagsasama
Hoy! Hoy! Buloy
Naaalala mo pa ba
And iyong mga sinabi
Nu'ng ako ay may problema
Sabi mo
"Lahat ng problema'y kayang lampasan"
Basta't tayo'y nagsasama at nag-iinuman
Hoy! Hoy! Buloy Naaalala mo pa ba
Nu'ng ako ay ma-kick out
Kasi daw ako'y tanga (tanga!)
Hoy! Hoy! Buloy
Naaalala mo pa ba
Nu'ng ako ay napalayas
Ng aking ama't ina
Mangiyak-iyak na ako
Pero sabio mo ay okey lang 'yan
Basta't tayo ay nagsasama at nag-iinuman
Kaya naman ako bilib sa 'yo
kasi parang napakatibay mo
Lahat ng iharang ay kaya mong daanan
Basta't may benteng alak diyan
Sa may tindahan
Hoy! Hoy! Buloy
Naaalala mo pa ba
Nu'ng araw na-dedo
Ang aso mong si Morlock
Hoy! Hoy! Buloy
Naaalala mo pa ba
Nu'ng ika'y tumawag sa 'min
At ika'y umiiyak
Tapos pagkatapos no'n
Kay tagal mong nawala
Nagulat na lang ako
Nu'ng narinig ko ang balita
Akala ko pa naman
Na marunong kang magdala
Nalalaman ko na lang na
Ika'y nagpakamatay na
Hoy! Hoy! Buloy
Nasaan ka man
Siguradong kawawa ka
Malamang walang alak diyan
Hoy! Hoy! Buloy Nasaan ka man
Siguradong hindi ka namin malilimutan
Hoy! Buloy! Buloy! Buloy!
Hoy! Buloy! Buloy! Buloy!
Hoy! Hoy! Buloy
Para bang nalimot mo na
Ang iyong mga sinabi
Nu'ng ikaw ay buhay pa