c faye, ay isang nilalang na makulit… sobrang kulit… at sukdulan ang kakulitan.
Sa madaling salita, siya ang pinakamakulit sa lahat ng makulit sa mundo.
Naintindihan ninyo ba?
Kung hindi, ipagtanong ninyo na lang sa mga kaibigan niya.
Para ring kiti-kiti itong taong ito kasi hindi niya kayang napipirmi sa isang lugar.
Pero kahit na makulit ng todo si Faye, sobrang bait din yan.
Para siyang isang anghel na hulog ng langit (lalo na kay Jette).
Sobrang matulungin at maaasahan na kaibigan.
Mananatili siya sa tabi mo kapag ikaw ay may problema at
pipilitin ka niyang patawanin sa kakulitan niya.
Si Faye ay napakamasayahing tao. Bihira mo lang siyang makikita na nalulungkot o
umiiyak kasi siya ang nagpapangiti sa mga taong may dinaramdam.
At dahil sa magaling siyang magpangiti,
si Faye ay may magandang ngiti (may koneksyon ba yun?)
Ang masasabi ko lang, taglay ni Faye ang isang karakter o
personalidad na hindi maaaring palitan ng sinuman.