|
|
|
Agosto 15, 2003 Di ko namamalayan, nasa kalahati na pala ako ng semester... Kalahating semester na akong naglilingkod sa ACES Community. Ngunit, hindi ko parin pansin ang mga nagagawa ko para rito.. di gaya ng ibang organisasyon na halos linggo-lingo ang activities... Pero, di kaya ako lang ang nakakaisip nito? Di kaya ako lang ang pumapansin sa simpleng bagay na nadarama ko ngayon? Para sa lahat, masasabi ko na hindi basta-basta ang pagiging Presidente. Kelangan ang isang MATIBAY NA DAMDAMIN, MABILIS NA PAG-IISIP, MALAKAS NA PANGANGATAWAN, at higit sa lahat, MATATAG NA PASENCYA. Kay dali lang nitong isa-buhay, ngunit kapag marami na ang umaalma, marami na ang nasasakupan mo, mahirap panatilihin ang ganitong mga katangian. May panahon na gustong - gusto mo nang sumuko, may panahong gustong-gusto mo nang magwala, may panahong naiiyak ka na lang. Bakit ko ba ito inihahayag ngayon? Siguro naman, kapansin-pansin naman talaga na hindi nawawala ang ganid sa pangalan, ganid sa kapangyarihan at ganid sa kontrol sa anumang organisasyon, sa eskwelahan man o sa lipunan. Ngunit, di rin naman nawawala ang mga tapat, matiyaga at makatarungan na siyang di natin napapansin agad, di natin natatanto. Sila ang mga gumagalaw sa likod ng tabing, sila ang hindi nakikilala. Balikan natin ang aking adhikain. Ang adhikain ko ay mabago ang sistema, mapag-ibayo ang buhay at mabigyang-buhay ang organisasyon. Madalas kong sabihin na hindi ko pinangarap na maging presidente ngunit unti-unti kong tinahak ng buong sikap at tiyaga ang hagdan tungo rito. Sabi nila, ako ay makapangyarihan, ako ang may huling desisyon, ako ang dapat masunod. Ngunit may mga pagkakataong eto ay nakatalikod sa akin. Okay lang, basta sa ikakabuti. Ngunit, gusto kong ipahiwatig na hindi sa lahat ng oras. Hindi sa lahat ng oras ako ang presidente. May mga panahon rin na ang presidente ay ang nakakarami. Sa aking pananaw, ang nakararami ay may kapangyarihang higit sa presidente. Kaya naman kung ang Pilipino ay nagkakaganito, ito na rin ay dahil "tayo" may di natin ginagamit sa wasto ang ating kapangyarihang presidente. Inaamin ko, hindi ako nahalal ng ACES Community, at ito ang aking regret. Minsan, pag may naririnig akong batikos, naiisip ko na tuloy tumigil at magpahinga, lalo na at ang nakakarami ang nagsasalita. Kung maihahalal lang sana ako ay hindi lang buong puso kundi buong kaluluwa kong paglilingkuran ang ACES. Marami pa akong naiisip na programa ngunit kung ang nakakarami ang ayaw nito, mabuti pang ako ay tumigil na. Mas tanggap ko ang masawi ng marangal kaysa masawi dahil sa pagpupumilit. -xxx- |
|
|