|
|
|
July 27, 2003 Kamusta na ba ang ACES? Well, ang Hunyo at Hulyo ay talagang napaka challenging para sa akin... ang mga activities ay nakakadrain ng ulo.. as in... Well, ang higit kong ikinasisiya ay ang supporta ng Department sa amin. Ang dami tuloy nagpunta sa aming paunang activity-major.. ang CE Talk and 1st General Assembly... napuno ang SV Little Theatre for the 1st time... Kahit na ba bumabagyo, ang pera ay nagkakabuhol-buhol, ang mga paraphernalia ay hinahabol sa huling minuto.. ang activity ay sadya paring fulfilling...naisip ko tuloy na hindi ko maaaring iwan ang ACES ng basta-basta nalang... Ang sumunod nman ay ang ACES Sports League. Isa ring mabagyong araw. Di ko akalain na marami pala ang interisado sa paglalaro sa ACES community. Hindi ko pa man din hilig ang laban-pisikal. Ngunit, dahil sa reaction ng mga estudyante rito, I will be considering then ang pagkakaroon ng ACES Sports Fest Exclusive sa January.. gaya ng napagplanuhan.. i-oopen ko ito sa lahat ng ACES, pati na sa ibang unibersidad na meron.. Marami nang pagsubok ang dumaraan sa akin ngayon bilang presidente.. di ko maiiwasan ang mga kritisismo, positibo man o negatibo.. ngunit isa lang ang dapat pakatatandaan ko, ang tiwala ng tao ay hindi basta-basta. Pinagsisikapan ito at higit sa lahat, inaalagaan. Simula ngayon, kahit na anong hirap pa ang dumaan, hindi ko na iisipin,at hindi ko na maaaring isipin ang pagreresign.. Sapagkat mahal ko ang ACES at mahal rin pala ako nito... Hanggang sa muli, -ms.jhulz- |
|
|