Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!



Prexy's Journal

June 17, 2003   10:00pm

  Magreresign na ako! Ayoko na dito sa ACES. Lahat ng may balak na pumalit sa aking pwesto ay pwede nang mag-file to position through my cellphone only by calling me at 0919-8778800. No text allowed, Voice Call only...

  Hay! Bakit nga ba ako ngkakaganito. Datirati ako naman ay hindi napapagod, hindi gaanong sumasakit ang ulo at higit sa lahat ay hindi nagiging makakalimutin. Tinanong ko nga sa sarili ko, kaya ko nga ba? Syempre ang sagot nito ay OO, sapagkat kung noo'y di ako sumusuko, ngayon pa't ako na ang namamahala.

  Ngunit, hindi basta-basta ang pamamahala. Ito ay nakakadrain, nakakalula, nakakahilo, nakakamatay... Grabe naman! Nakamamatay sa paraang mauubos ang panahon mo sa kaaasikaso't kaiisip. Ang pag-upo sa position, kahit ano pa man ay nangangailangan ng debosyon, dedikasyon at direksyon. Kailangan rin na you're strong, strict and still. Bakit? Sapagkat ang bawat nasabi mo na ay hindi mo na dapat bawiin, ang naplano na ay hindi na dapat pabago-bago pa, at kahit ano pa man ang dumating sayo, baha ng luha, bagyo ng kritisismo, lindol ng masasakit na puri, dapat ay manatili kang matatag.

  Hindi lahat ng leader ay ganito. Merong leader sa commission, leader sa season at leader sa kunsomisyon. Meron rin namang pala-utos, pala-pabaya, at pala-asa. Konti lang ang martyr na tulad ko.. Joke! Aba! Nakaattend ata ako ng leadership training. Sabi roon, ang isang leader ay hindi ipinanganak, ngunit hinuhubog. Teka, hindi pa ata ako nahubog ng husto. Araaaaaayyyyy!!!!

  Well, ngunit para sa akin, ang tagumpay ay hindi sa leader lamang, kundi pati sa kapwa leader nito at ang kanyang mga miyembro. Syempre, nagsisimula ang lahat sa leader, ngunit ang katapusan ay nasa komunidad. Sapagkat, ang tunay na tagumpay ay nakikita sa maayos at sistematikong kilos ng lahat.

  Grabe na 'to! Eto lang naman ang ilan sa mga hanging umiikot ngayon sa aking balintataw.. Marami pa, kaya lang inaantok na ko. Ang presidente ay kailangan rin ng pahinga pagkatapos ng mga sakripisyo.

Hanggang sa muli, -=ms.jhules=-

 

Up Next