Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!



sana matutunan mo akong mahalin balang araw. alam kong imposible para sayo. pero di ako titigil umasa dahil balang araw, mamahalin mo din ako...imposible man para sayo..


i'll wait no matter what it takes. even if what your feelings for me i couldn't guess. i'll be there for you no matter what it takes and if i won't have you, then i'd rather have no one else....ikaw lang kse...


whenever i make your phone beep, i know that at one point, you've uttered, "ikaw lang pala". and i couldn't blame you for that. but at any rate, i just want you to know that this "lang" loves you so much.


di mo ako sinalo nung nahulog ako. di mo ko pinansin nung bumagsak ako. dapang-dapa na ko alam mo ba yon? pero nung napansin kong paalis ka, sinubukan kong tumayo para habulin ka pero nagmamadali ka...para sa kanya.


Girl A said, "wag mo syang pakawalan, mahal ka nya". Girl B said, "nagtuturo ka sa ken bout love e di ka pa naman nagkaka-bf." Girl A said with tears, "natuto ako nung.....simula kong mahalin bf mo."


gago ka ba? iiwanan mo ko tapos babalik-balik ka ngayon! anong akala mo sa ken tanga? papauto ulit sayo? eh sira ulo ka pala e...pero mas sira ulo ko syo...halika nga dito....tagal ko nang hinintay pagbabalik mo e.


naisip ko kung bakit tayo masaya. kilala mo ko, naiintindihan kita. pareho tayo ng gusto at magkasama tayo sa lungkot at saya. madaming dahilan pero napatigil ako....kasi masaya ka na pala...sa kanya...


talagang ganyan daw pag nagmamahal ka. maghihintay ka ng matagal dahil sa una, akala mo ikaw na...sa una, akala mo totoo, yun pala, simula pa nung una...pinagtitripan ka lang pala.


i know there are so many special person in your life. but when you found out that you're not special and you've taken forgranted by that person, i'll wait for you to turn to me and i'll say, "sa kin sobrang special ka."


marunong ka bang mag-alaga? mag-alaga ng....kahit ano! siguro oo, kse mabait ka naman...pero itong ipapaalaga ko syo, maalagaan mo kaya? itong puso ko,,alagaan mo naman para di na masakit....


maybe one day, we'll let go of each other...you might have someone that could replace me...but if someone hurts you and leave you, i'll tap your shoulder and say, "lika nga dito...binabawi na kita!"


masakit pag ginago ka...masakit pag ininsulto ka, mas masakit pag sinabi syong, "love naman kita eh...kaya lang...mas love ko sya." ginago ka na, ininsulto ka pa....sakit no?


sabi ko nung umalis ka, "kaya ko 'to". sabi ko nung may iba ka nang mahal, "pakialam ko!" sabi ko nung makita ko kayong magkasama, "basta masaya ka." sabi naman ng puso ko, "kaw kse ma-pride, dapat pinaglaban mo!"


dahil sa'yo kaya iniwan ko sya. mahal kita kaya pinaglaban kita. mahal na mahala kaya pati buhay ko, binigay ko na! pero T******, bakit di mo sinabing....gaguhan lang pala!


why now when i have fallen for you? why now when you know i can't let you go? it's so unfair coz it seems that everything is so easy for you and you just don't care about how i feel....but what can i do? yan ang gusto mo!


kailan ba kita nakita? kanina yata yon...may kasama ka nga nun eh...tinawag kita, di mo ko pinansin, kaya napayuko ako kse sabi mo, "di ba tapos na tayo, ano pa bang kailangan mo?"


dati masaya ko kahit malungkot mag-isa. sumaya ko nang dumating ka...pero nawala ka...mas masaya pala yung malungkot ka na nag-iisa...kesa malungkot ako....na iniisip ka!


isang araw, lumapit sya sayo... nagmamakaawa at umiiyak...iniwan ka nya noon at sumama sa iba...ano gagawin mo? matutuwa? magpapakatanga? o sasabihin mo na lang..."pasensya na. sanay na ko na wala ka eh."


ang bilis ng panahon magbago...magugulat ka na lang pati tao mabilis magbago...pati mga samahan...wala pa namang nagbabago dito sa puso...sayo, ewan ko! pero hihintayin mo pa bang magbago?


sabi mo mahal mo ko, sabi mo rin di mo ko iiwan...yun din yung sinabi mo sa kanya....pero bakit sa kanya, di ka nagsinungaling?


if i'm about to be killed...i'd say, "go on! shoot me til i drop dead! but please not through my heart....kse....basta wag....kasi tatamaan si ______ eh!"


i just realized that some friends are too good over love...you're one of them...that's when i thought and decided..."ano silbi ng pagmamahal ko syo kung yon ang sisira ng pagkakaibigan natin?"


nakita kitang masaya papalapit. tinanong kita kung bakit...sabi mo nakita mo na yung girl na mamahalin mo....tinanong kita kung sino? hinawakan mo ko sa mukha sabay sabi..."pwede bang manligaw sa bestfriend mo?"


bukas maari mo kong iwan...saktan...palitan...kalimutan...pero di kita gagayahin...iiyak lang ako syempre...dahil habang buhay kong tatandaan na totoong minahal kita....


akala ko nung una mas mahal mo pa rin ako kaysa sa kanya... pero di ko akalian na kaya mo pala kong saktan at iwan....para lang sa kanya...


alam ko darating yung araw na...magkakahiwalay tayo..dami tayong ibang makikilalang friends...pero sana wag umabit don sa sitwasyon na sabihin mo sa kin na, "sorry, but...do i know you?"


di ko man nakayang ibigay lahat ng gusto mo, di ko man narinig ang lahat ng hinanakit mo...di ko man nasabi ang sigaw ng puso ko....tandaan mo na handa kong gawin lahat yon....bumalik ka lang sa piling ko...


kagabi, tinanong ko si Lord kung taong manhid, sabi nya, wala daw syang ginawang ganon...tumalikod ako at napatungo....bigla nyang sinabi, "manhid nga ba sya, o di mo lang matanggap na kaibigan ka lang nya?"


is it true that when someone dumped you, someone will rescue you and say, "i'm here naman eh." then you'll just look and say, "nagawa mo na rin sa ken 'to...hinayaan ko lang...


kung yung iba kaya kang iwan, ang kaya ko lang, maghintay hanggang lumapit ka sa kin..kse don ko lang maipapakita sayo na pag kailangan mo ko, nandito lang ako...sa tabi mo...


minsan masaya ako kapag broken-hearted ka, kase ako nagko-comfort sayo...pero madalas masakit, di lang dahil ayaw kong masaktan ka kasi nga mahal kita....pero dahil kapag nasasaktan ka....don mo lang ako naaalala...


gusto na kitang tigilan sa totoo lang..pero di ako makabitiw sayo...alam mo kung bakit? kse, kahit nagpapakagago ko sayo, naiisip ko pa din..."pag ako minahal mo, sulit lahat ng sakit na dinanas ko".


pilit kong isinisiksik sa isip ko na di na kita mahal...na nakalimutan ko na ang nararamdaman ko para sayo. wala ng sakit, selos, at panghihinayang...pero sa kabila ng lahat ng 'to....minsan ko ulit natanong ang sarili ko, "totoo na ba 'to?"


mahal mo sya, ginawa mo lahat para sa kanya...binuhos ang oras para sa kanya...sa tingin mo mamahalin ka rin nya? ako nga ganon din sayo eh...pero ano? ako ba minahal mo?


pare, wag naman manhid, di mo ba nakikita mahal ka nya? pare, wag naman manhid, di mo ba nakikita, pinapaiyak mo sya? pare, wag manhid, kawawa naman mahal ko....pare, para sa ken, alagaan mo...


minsan kala mo, okay na ang lahat. na sasaya ka sa piling nya...na lam mong sigurado ka...pero ang hindi mo alam, maraming humahadlang....and masakit non...kaibigan mo pa!


ganda ng panahon non eh...lalapit na ko syo kasi may tamang lakas na ko para sabihin syong mahal kita... pero paglapit ko, bigla mo kong niyakap...sabi mo pa, "ikaw talaga ang swerte ko...sinagot na nya ko!"


di porke't ka-close ka, mahalaga ka sa kanya...di porke't hinahanap ka, namimiss ka nya...di porke masaya sya sa yo, mahal ka nya...ginagawa nya lang yon....para di ka magmukhang tanga kakamahal sa kanya!


mahirap pag iniwan mo ang taong mahal mo ng totoo. nung sinabi mo sa kanyang ayaw mo na, akala mo pipigilan ka nya...pero nagkamali ka...niyakap ka lang nya at sinabing, "yan din ang sasabihin ko...naunahan mo lang ako."


minahal kita, pinahalagahan kita, ano ginawa mo? ginago mo ko. sabi mo mahal mo rin ako...pero ano? niloko mo ako...bumitaw ako pero pinabayaan mo ko...buti na lang, dumating sya...at sinalo ako!


some peole say, "i'm always here for you". other says, "cool ka lang, i understand what you feel". they always tell that even if they don't. so i just laugh and say, "sana gawin mo muna, bago mo sabihin!".


minsan tinanong ko saili ko kung sino ka ba sa buhay ko? simpleng tao na nakilala ko, minsang pinatawa at pinaiyak ako...pero wag ka...isang simpleng tao, pero minahal ko ng totoo!


ngayon, magkalayo na tayong dalawa...mahirap makapag-usap...masyadong maraming ginagawa...hindi na rin makapag-isip ng mabuti...pero kahit ganon...namimiss kita...kaya kapag may problema ka...heto o..nandito ako...nasa tabi mo!


minsan akala mo, kaibigan lang sya, minsan akala mo nandyan sya bilang tagapayo, minsan kala mo wala lang sya...pero naisip mo na rin ba kahit minsan...na mahal ka pala nya?


life has been easier, more meaningful and worth living ever since i met you..but i have to accept that one day, you'll leave...still i want you to know, "iwan mo man ako ngayon, may babalikan ka pa din bukas".


quotes menu [1] [2] [3] [4] [5] [6] [7]