Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!
Blog Tools
Edit your Blog
Build a Blog
Buddy Page
View Profile
« November 2008 »
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30
Entries by Topic
All topics  «
kodakan
peborit tambayan
Friendster
You are not logged in. Log in
SAMU'T SARI....

Monday, 11 October 2004

kita-kits ...a special kwento just for mareng B
Mood:  happy
around 5 pm nandun na ko kina mareng C. as usual wait ever ang byuti ng lola sa ibang byuti na as usual taking forever sa pag aayos sa sarili before going to the meeting place. nadatnan ko si marekoy playing wid coyee (as mareng B calls this little bundle of joy). As much as we want to make chika galore with each other eh we can't kase nga the little boy is makulit..hehehe. Malaki na sya for his age. Dun ko lang napansin may dimples din pala sya gaya ng mama nya. I can see Mareng C is very happy...iba talaga pag may bebe na. After 52 yrs dumating na rin sa wakas si princess, bagong ligo ang gaga. basang-basa pa ang buhok. She's in her usual get up...jeans and body-hugging top. Proud talaga ang lola sa boobs nya , hahahah!May dalang chichiria ang princess kaya tinablan naman ako ng hiya so may-I-buy na rin ako ng softdrink. Pumasok muna si mreng C sa loob at paliliguan si kulit. Kwentuhan muna kami ni princess sa labas. Update naman about puke..este duke! Abah..mukha yatang consistent ang duke sa pagpapakyut kay princess. hmmm..exciting ang buhay ha. Consistent sa pagte-text at pagtawag. Natuwa naman ako..so far..they're getting along well. After ni mareng C magpaligo lumabas na rin sya at join na rin sa chika-minute namin ni princess. In-update namin si mareng C about kay Duke sa buhay ni princess. Knowing mareng C...hindi naman sya nagpakita ng excitement..i guess pre-occupied na sya ng mga responsibilities nya bilang nanay kaya she can't even put herself on prinsesa's shoes at mafeel din ang kilig-kilig state ni prinsesa. Ok lang naman yun. Hirap kayang maging nanay. Anyway, after another 45 years...dumating na rin si mass media practitioner at forever late ding si mareng L. Abah..at naka shorts ang gaga. At take note ang hita pwede ng pantapat kay jopay. Mabilog sya ngayon. siguro sa epekto na rin ng mga gamot nya para sa throat nya. So since kumpleto na at wala ng hinihintay, nagsimula na ang madugong pang-gigisa sa isa't isa. Actually ikaw mareng B ang topic namin nun...mukha yatang nafeel mo din eh kaya nagtext ka na sa jologs kong cellphone. Bigla ka tuloy naming namiss. Samu't sari lang naman ang napagkwentuhan namin. trabaho...lalaki...mga bagong sports na kinahuhumalingan...sex....mga problema sa pera at ibang tao. Yun lang naman. Napagkwentuhan din ang mga dating kabatch nung high school (as usual..mawawala ba yun?) Lovelife? abah mawawala ba yun..natural hinde kahit kaming lahat eh no boylet as of the moment. napag usapan din ang lablayp ng yours truly at kung bakit on separate-lives mode na kami ni B. Syet pinagpawisan pa ko sa pagkwento...pero pagkatapos naman ng sharing galore eh napakagaan naman sa pakiramdam. At least u have your friends with u whatever happens. by 9:30pm naguwian na rin kami. as much as we wanted to stay pa and chika some more eh hindi naman na pwede at may mga pasok pa kinabukasan. But mukhang we just can't get enough pa kaya naman mukhang next sunday eh may pagkikita-kita ulit. But titignan muna ang sked ng everbusy na si L kung pwede sya ng earlier than 4pm. so wait for my chika kung tuloy or hinde. OK? God Bless you mare! We miss you!

Posted by creep/lazysusan at 5:03 PM JST
Updated: Monday, 11 October 2004 5:10 PM JST
Post Comment | Permalink | Share This Post

Newer | Latest | Older