Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!

Tagalog
Home Up

 

       1.      Ang selos daw ay ginawa sa tabi ng pagmamahal..hirap intindihin, kadalasan pa, madamot! Pero isipin mo na lang, pano kung walang selos? Malalaman mo ba kung gano kasarap magmahal?

  2.      Sa marathon ng buhay kelangan mong iwan ang kalaban para manalo at makuha nag premyo, pero kung ikaw ang kalaban ko..pwede bang maglakad na lang tayo? Kasama ko na naman ang premyo eh.bakit pa ko tatakbo?

  3.      Pano pag hawak mo kamay  ko at ng mahal mo, tapos napuwing mata mo..sinong bibitawan mo?..wag mo na lang sagutin..ako nang bibitaw para hipan ang mata mo..c,

  4.      Nagmahal ka na ba pero inakala mo mali kaya tinago mo na lang? Nasaktan ka na ba dahil alam mo mahal mo sya pero di mo mapakita?Nasubukan mo na bang magsisi dahil dapat sana sa iyo sya kung pinadama mo lang sana..

  5.      Ano ba to! Ikaw na naman nasa isip ko kaya ang hirap makatulog sa gabi e. Hindi kita makalimutan! Pero nakatulog din ako.Alam mo kung pano? Sinabi ko sa sarili ko..TANGA MAY MAHAL NA YUN. TULOG KA NA!

  6.      Bakit ganun? Feeling ko mahal ko na sya pero magkaibigan lang kami. Pano kung di niya ko mahal? Sayang naman ang friendship. Ililihim ko na lang ba? Pano kung mahal nya ko? Sayang naman

  7.      Madalas kong isipin, san ko ba ilulugar sarili ko sa yo? O kung may lugar pa ba ko? Kapag bibitaw na ko, dumarating ka at pinaramdam mo na meron pang pag-asa. Ngayon,  darating ka pa ba? Kasi bibitaw na ko??

  8.      Masakit magmahal lalo na kung iiwan ka lang nya. Pero alam mo? May mas masakit pa dun..Pag iniwan ka nya sabay sabi..sori, akala ko kasi mahal kita e

  9.      Minsan daw nakakapagod magmahal..Minsan masaya tapos may oras na iiyak ka! Sabi nila nakakasawa! Pero ang totoo, HINDI AKO NAGSASAWA SA YO! Kelan ba nagsawa ang taong nagmamahal ng totoo!

  10.  Pano mo malalaman pag mahal mo talaga ang isang tao? Pag hinahanap mo ba? Pag nami-miss mo? Siguro nga! Pero pag  mahal mo talaga, masaya ka basta masaya sya..kahit sa piling ng iba=(

  11.  Kahit nasasaktan ang isang tao, pinipili pa rin niyang magmahal.Bakit? Dahil ang puso pwede mong sugatan pero di  mo kayang turuan. Patuloy itong tiribok, patuloy na magmamahal.

  12.  Kapag mahal mo ang isang tao, kahit wala na, asa ka pa rin, kahit wala na, naghihintay ka pa rin, kahit wala na naniniwala ka pa rin pero minsan kahit mahal mo, pinapakawalan mo na kahit masakit kaysa Makita mo na ayaw na nya.

  13.  Kadalasan love is unfair. Kung sino yung nagmamahak cya ung nasasaktan at yung nambabalewala, sya  yung minamahal. Kaya tuloy naisip ko, balewalain kaya kita? Mahalin mo kaya ako?

  14.  Ang sarap magmahal no? lalo na pag mahal ka rin nya? Pano kung naghiwalay kayo? Tapos nakikipagbalikan sya sa yo? Mapapatawad mo pa ba sya kung nag dahilan ay nagmahal sya ng iba?

  15.  Sabi nila, kapag mahal mo ang isang tao, matututo kang pakawalan sya. Kung  sa yo, sa yo,kung hindi, hindi.E pano mo iisiping pakawalan sya kung sya ang dahilan kung bakit ka nagmamahal.

16. Minsan, iniisip ko na hwag na lang magmahal para hindi na ko masaktan ulit pero hindi ko yata kakayanin kasi makita pa lang kitang nakangiti, handa na kong masaktan uli..!

17. Nagmahal ka na ba pero inakala mo mali ? Kaya tinago mo na  lang? Nasaktan ka na ba dahil alam mo mahal mo sya per di mo mapakita? Nasubukan mo na bang magsisi  dahil dapat sana sa 'yo sya kung pinadama mo lang sana..

18. Hindi kita masisisi kung ayaw mo na sa kin. Hindi kita masisisi kung di mo na ko kayang mahalin. Hindi kita masisisi kung may mahal ka nang iba. Ang dapat sisihin ay ako dahil sa kabila nang lahat, mahal pa rin kita..

19. Sinabi ko sa sarili ko lilimutin na kita..Pinilit ko masakit, Ginawa ko mahirap. Ano gagawin ko? Tumakbo? Magtago?  Saan? Maliit lang mundo ko, umiikot lang sa 'yo.

20.Ang saya ko dati, kasi akala ko mahal mo 'ko..kasi naman ang bait mo sa 'kin! Nahulog tuloy ako sa yo lalo! Tapos sbhn mo sa kin bigla.." na-misinterpret mo lang yata, friendly lang ako"

21. Minsan, sinasabi mo sa sarili mo na di mo na sya papansinin, na kakalimutan mo na sya pero pag anjan na dimo maiwasang sumulyap kasi until now, mahal mo pa rin.

22. Mahirap umasa sa wala, mahirap magmahal nang taong may mahal nang iba, mahirap ipagtanggol ang taong walang pakiaam sa nararamdaman mo at higit sa lahat, mahirap masaktan ng walang kaapatan

 23. Sabi mo "HIndi ko kayang mawala ka" . Sarap pakinggan, isiping may nagmamahal sa 'yo. 'Yung may taong nagbibigay sa 'yo ng halaga..pero ang masakit dun sa iba mo sinabi narinig ko lang

24. Kapag sobrang lapit mo sa isang kaibigan, natututunan mo ng mahalin..wag kang lalapit sa kin ha? baka kc mahalin kita tapos kaibigan pa rin pla tingin mo sa 'kin.

25.