Ang mga Saksi ni Jehovah ay isang kapisanang hindi sa DIOS
at taliwas sa itinuturo ng Biblia ang kanilang mga Aral . . .
1. Isa-isahin po natin ito po ang una;
Ang sabi po sa kanilang aklat na "ANG MABUHAY MAGPAKAILANMAN
AY HINDI PANAGINIP LAMANG".
Sa mga naka underline na pangungusapi qoute
"Ginawa niya ang lupa na tamang-tama para sa atin! At nilalang niya ang
lalaki't babae para lubusan silang masiyahan sa buhay na makalupang
tahanang ito - magpakailanman - Awit 115:16"
Nagbigay pa ang aklat ng mga saksi ng sitas - Awit 115:16 na ang
talagang nakalagay ay ito;
"Ang mga langit ay mga langit ng Panginoon;
Nguni’t ang lupa ay kaniyang ibinigay sa mga anak ng mga tao. "
Na wala namang nakaletra o diwa na "ginawa para lubusang masiyahn sa buhay
na makalupang tahanan - magpakailanman
Ang pangungusap na ito ng mga Saksi ni Jehovah ay isang tuwirang
pagsalungat sa talatang ito
1 Corinto 2:9
" Datapuwa’t gaya ng nasusulat, Ang mga bagay na hindi nakita ng mata,
at ni narinig ng tainga, Ni hindi pumasok sa puso ng tao,
Anomang mga bagay na inihanda ng Dios sa kanila na nangagsisiibig sa kaniya. "
Na ang sabi, ang mga bagay na hindi nakita ng mata, at ni narinig ng tainga, ang mga
bagay na inihanda ng Dios sa mga nangagsisiibig sa kanya.
Datapuwa’t gaya ng nasusulat, Ang mga bagay na hindi nakita ng mata, at ni narinig ng tainga,
Ni hindi pumasok sa puso ng tao, Anomang mga bagay na inihanda ng Dios sa kanila na nangagsisiibig sa kaniya.
2.Ito po ang ikalawa;
Pansinin nyo po ang sabi ng aklat ng Saksi na ito
"Talaga bang sa Diyablo ang lahat ng pandaigdig na pamahalaang ito?
Oo, kung hindi'y maiaalok ba niya ito kay Jesus?"
Ang gustong palabasin ng mga Saksi na ang pandaigdig na pamahalaang ito
ay sa Diablong lahat. Na isang malaking kasinungalingan, Bakit po?
Ang dahil ay sabi ng biblia ay ganito sa
Hebreo 13:17
" Magsitalima kayo sa namiminuno sa inyo, at kayo’y pasakop sa kanila :
sapagka’t pawang nangagpupuyat dahil sa inyong mga kaluluwa,
na parang sila ang mangagsusulit; upang ito’y gawin nilang may kagalakan,
at huwag may hapis: sapagka’t sa ganito’y di ninyo mapapakinabangan. "
Ang sabi po ng talata ay magsitalima kayo sa mga namiminuno sa iyo,
at kayo'y pasakop sa kanila, kung susundin natin ang mga Saksi lalabas hindi natin
dapat sundin itong Hebreo 13:17 dahil, ang tatalimahin natin ay ang Diablo.
Kaya lalabas Anti-Biblia ang turong ito ng saksi...
3.Ito po ang ikatlo;
Pansinin nyo po ang sabi ng aklat ng Saksi na ito
"Mamanahin ng matuwid ang lupa, at tatahan doon magpakailanman (Awit 37:29)"
Ang tinitindigan kasi ng mga Saksi ni Jehovah na ang batayan ay ang Awit 37:29
ay ang lupang ito ay irerenovate lang
ng DIOS at hindi mawawala dahil ito ay magpakailanman na wala ka namang
mababasa sa biblia na irerenovate lang na
tuwirang tumataliwas sa sinasabing ito ng Biblia
1 Corinto 2:9
" Datapuwa’t gaya ng nasusulat, Ang mga bagay na hindi nakita ng mata,
at ni narinig ng tainga, Ni hindi pumasok sa puso ng tao,
Anomang mga bagay na inihanda ng Dios sa kanila na nangagsisiibig sa kaniya. "
Ang sabi po "Ang mga bagay na hindi nakita ng mata, at ni narinig ng tainga, Ni hindi pumasok sa
puso ng tao.Anomang mga bagay na inihanda ng Dios sa kanila na nangagsisiibig sa kaniya"
Ang tanong ang lupa bang ito ay nakita ng mata? o narinig ng tainga? pumasok sa puso?
Ano sagot? Di ba nakita ng mata ang lupa, ang langit at ang iba pa na naririto sa mundo. So by application
lahat ng nakita ay papalitan ng walang kasiraan, dahil ang lahat ng nakikita ay may hangganan. Kaya't
ating matatalastas na ang aral na ito ng mga Saksi ni Jehovah ay isang malaking kamangmangan.
4.Ito po ang ikaapat;
Pansinin nyo po ang sabi ng aklat ng Saksi na ito
"Ang lupa ay magbubunga ng saganang pagkain. Wala na uli magugutom"
Ang tinitindigan kasi ng mga Saksi ni Jehovah na ang tao ay hindi na
magugutom bakit? Dahil daw ang lupa ay magbubunga ng saganang pagkain. Ang
aral po na ito ay isang malaking kasinungalingan dahil ang kung gayon nga ang lalabas
kontra. Dahil sa
1 Corinto 15:53
" Sapagka’t kinakailangan na itong may kasiraan ay magbihis ng walang kasiraan,
at itong may kamatayan ay magbihis ng walang kamatayan. "
Ang sabi po "kinakailangan ng itong may kasiraan ay mabihis ng walang kasiraan, at itong
may kamatayan ay mabihis ng walang kamatayan"
Ang lalabas sa paliwanag ng mga Saksi na sasagana ng pagkain, lalabas meron pa ring
kasiraan ang kanilang katawan at hindi napalitan dahil sabi ng biblia dapat ang may
kasiraan ay mabihis ng walang kasiraan, eh ang pagkain nabubulok
lalabas pa ulit, may CR o comfort room pa rin sa paraiso na pinangako. Pangit naman
Anti - Bibliang turo ng Saksi.
Abangan ang mga susunod na kabanatan... |