Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!
Nalpay A Namnama
Leona Florentino

Bigong Pag-asa
salin ni Isagani R. Cruz

(1) Anong saya at ginhawa
kung may nagmamahal
dahil may makikiramay
sa lahat ng pagdurusa.

(5) Ang masama kong kapalaran
walang kapantay----
wala akong alinlangan----
sa dinaranas sa kasalukuyan.

(9) Kahit ako ay magmahal
sa isang musa
wala namang hinuha
na ako'y pahahalagahan.

(13) Isumpa ko kaya ang panahon
nang ako'y ipinanganak
higit na mas masarap
na mamatay bilang sanggol.

(17) Nais ko mang magpaliwanag
dila ko'y ayaw gumalaw
nakikita kong malinaw
pagtanggi lamang ang matatangap.

(21) Ligaya ko sana'y walang kapantay
sa kaalamang ikaw ay minamahal
isusumpa ko at patutunayan
para sa iyo lamang ako mamamatay.

Back to Home Page
LITERA2 readings